nandito ka

Written by 

Miss Sunny Cards Wedding Invitations Philippines pages 

Miss Sunny Cards Wedding Invitations Philippines

Ang wedding invitation Philippines

Ang kasal ay isa sa pinakamahalagang okasyon sa personal na buhay at pamilyang Pinoy. Ito ay bibihira lang na maganap sa isang tao kaya’t ito’y marapat lamang na bigyan ng matamang atensyon. Ang imbitasyon sa kasal ay isang maliit ngunit mahalagang detalye ng kasalang Pilipino. Sa pamamagitan ng wedding invitations, naipadarama ng mga ikakasal ang kanilang masidhing pag-nanais na makasama ang kanilang mga imbitado sa kanilang pagharap sa altar.

Ano ang iba’t ibang style ng wedding invitations Philippines?

Dahil sa ang kasal ay isang taimtim na okasyon para sa mga ikakasal, kanilang mga kapamilya at kaibigan, ang wedding invites ay dapat na magpakita rin ng ganitong klase ng estilo. Ang Miss Sunny Cards ay eksperto sa paggawa ng mga imbitasyon sa kasal na ang style ay babagay sa personalidad ng mga ikakasal, pati na rin sa napili ninyong mottif. Makipag-ugnayan sa amin para sa wedding invitations Philippine style na gusto mo para sa kasal mo!

Mga wedding invitations designs Philippines

Kung ikaw ay ikakasal, dapat lang na bigyan ng panahon at oras ang pag disenyo, pagpaimprenta at pamamahagi ng wedding invitations. Ngunit dahil sa hindi lang imbitasyon ang dapat na asikasuhin sa kasal, ang paggawa at pamamahagi ng mga imbitasyon ay kadalasan nang naisasantabi bagaman ito ay napakahalaga. Kadalasang pangit at halatang hindi napaghandaan ang karamihan sa mga invitation sa kasal.

Gusto mo ba ng wedding invitations na magara ang design, yun bang maipagmamalaki mo saan man dalhin sa Philippines? Ang Miss Sunny Cards ay isang kumpanyang nag-eespecialize sa mga wedding invitations designs at nagdedeliver kami sa buong Pilipinas! Kontakin agad kami nang mapag-usapan natin ang disenyo ng inyong imbitasyon sa kasal.

Kami ay maker of laser cut wedding invitations dito sa Pilipinas!

Bagaman simple o kumplikado ang wedding invitations design na gusto ninyong ipagawa, ang laser cutting ay siguradong magpapa-WOW sa mga imbitadong tatanggap ng inyong imbitasyon. Bakit laser cut wedding invitation? Dahil ito ang pinakabagong teknolohiya ng pag disenyo at pag imprinta ng wedding invitations na ginagamit din sa ibang bansa. Tiyak na kung sa Miss Sunny Cards ka mag-papagawa ng wedding invitation, tiyak na kahit kayo na mga ikakasal, hahanga sa kagandahan at elegance ng aming mga invitation cards na magagawa lamang gamit ang teknolohiyang ito.

Ang aming mga wedding invitations para sa mga Pinoy – Customized!

Kailangan mo na ng wedding invites ngunit wala kang sapat na panahon pa idisenyo ay gawin ito? Huwag ka nang mag-alala, kami na ang bahala sa pangangailangan mo! Ang Miss Sunny Cards ay gumagawa ng eleganteng mga wedding invitations na customized, ibig sabihin, ibabagay namin sa mismong pangangailangan at personalidad ng mga ikakasal! Ipaalam sa amin ang detalye ng inyong pinakamahalagang okasyon at pag-usapan natin kung paano namin lubos na mapagaganda ang inyong mga wedding invitations!

Kumuha ng wedding invitation layouts Philippines!

Baka maitanong mo, ano kayang layout ng invitation ang babagay sa kasal ko at iyong magugustuhan ng aming mga bisita? Kami ay nagbibigay ng sample, hanggang tatlong iba’t ibang uri ng wedding invitation layout para naman may mapagpilian ka. Kung makapili ka na, saka namin gagawin at iimprentahin ang iyong mga invitation gamit ang aming laser printer and cutting technology.

Ano ang magandang wedding invitation content Philippines?

Kung gagawa ka ng imbitasyon sa kasal, hindi lang ang disenyo ang gusto mong pagandahin. Tiyak na naghahanap ka ngayon ng ideya kung ano ang magandang wedding invitation content, yun bang laman ng imbitasyon, mga salitang dapat gamitin para ipaalam sa mga taong mahalaga saiyo na sila ay imbitado sa kasal mo.

Hindi lang sa wedding invitations design magaling ang Miss Sunny Cards, kami ay makakatulong din sa kung ano ang isusulat mo sa imbitasyon nang sa ganun ay maiparating mo sa maaayos at pormal na paraan ang iyong paanyaya sa mga taong malapit saiyo.

Maghanap ng tamang wedding invitation wordings Philippines

Kung ikaw ay magsusulat ng imbistasyon sa kasal, hindi lamang basta basta ang mga salitang pwede mong ilagay sapagkat ito ay napakahalaga, katulad din ng kataimtiman ng okasyong kasal. Kung hindi mo alam ang isusulat na mga wordings o kaya ay hindi ka sigurado sa mga naiisipan mo, kami ay nakahandang tumulong saiyong magsulat ng tamang wedding invitation wordings Philippines style. Hindi lamang yan, kami ay nagdidisenyo at nagiimprenta ng magagarang wedding invitation gamit ang aming mga makabagong teknolohiya sa pag-iimprenta na galing ibang bansa.

Wedding invitation wording samples para sa Philippines

Baka isipin mong ang Miss Sunny Cards ay magaling lang pagdating sa wedding invitation designs at bhindi makakatulong sa kung ano ang kailangang isulat na mga pananalita sa mga imbitasyon na kasal. Nagkakamali ka diyan! Kami ay nagbibigay ng mga patok at kagalanggalang na mga wedding invitation wording samples para sa Philippines. Kontakin kami para sa higit pang mga impormasyon ukol sa aming mga serbisyo.

Mayroon bang wedding invitation format para sa Philippines?

Naghahanap ka ba ng wedding invitation format? Nakuha ka ba? Malamang na makuha ka nga sa internet. Subalit kung ikaw ang tatanungin, gusto mo bang maging gaya-gaya ang wedding invitation mo? Kung ako ang tatanungin, ayaw na ayaw ko na ang aking imbitasyon ay kagayang kagaya ng mga makikita online! Nakakahiyang makatinig ng komento na ang iyong wedding invitation card ay kinopya lamang sa internet, hindi ba?

Kaya kami sa Miss Sunny Cards, ang lahat ng mga invitation sa kasal ay ginagawa naming individualized, ibig sabihin, ang iyong wedding invites ay gagawin base sa personalidad at kagustuhan ng mga ikakasal. Kaya makasisiguro ka ng ang iyong imbitasyon ay personalized at unique.

Saan makakakuha ng wedding invitation templates sa Pilipinas?

Malamang ay kasalukayan mong ginagalugad ang internet dahil naghahanap ka ng wedding invitation templates na babagay sa kasalang Pinoy. Tamang website ang napuntahan mo, kami ay mga espesyalista sa mga imbitasyon sa kasalang Pinoy. Pero bakit ka pa maghahanap ng templates? Hunmingi ng wedding invitation samples sa amin ngayon din!

Wedding invitation printing para sa Pilipinas

Huwag ka nang magkumahog pa sa pag design at pag iimprenta ng inyong wedding invitations. Kami ay nag-iimprenta ng mga wedding invitation at nag dideliver saan man sa Pilipinas!

Ang uri ng papel na ginagamit namin para sa wedding invitations Philippines

Dahil sa ang imbitasyon sa kasal ay isang napakahalagang obra maestra, kami sa Miss Sunny Cards ay hindi lang basta basta kumukuha ng kahit anong papel. Kami ay gumagamit ng espesyal na makapal na papel na babagay sa aming laser cut designs.

Unique na wedding invitation envelopes Philippines

Kung aming mga disenyo para sa wedding invitation ay individualized, ganoon din ang mga envelopes ng aming mga imbitasyon. Ito ay ginagawa namin batay sa kahilingan ng mga giliw naming ikakasal.

How much do wedding invitations Philippines cost?

Dahil sa hindi parepareho ang disenyo ng aming mga wedding invitations dahil sinusunod namin ang kagustuhan ng aming mga kliyenteng ikakasal, wala kaming iksaktong presyo na maibibigay sainyo. Ito ay depende sa mga materyales na kakailanganin at sa istilo ng imbitasyon.

Ang price ng wedding invitations sa Pilipinas

Tulad ng nasabi na, wala kaming maibibigay na eksaktong presyo ng aming mga wedding invitations dahil sa ito ay ginagawa dipende sa kagustuhan ng bawat magpapakasal. Pero para bigyan ka ng ideya, ang aming mga imbitasyon ay nagkakahalaga ng humigit kumulang P150.00 bawat isang piraso.

Mayroon ba kayong price list para sa inyong mga wedding invitation?

Kung naghahanap ka ng wedding invitations Philippines price list, naku wala kang makukuhang eksaktong pricelist dahil sa ang aming mga wedding invitation cards ay ginagawa dipende sa kagustuhan ng mga ikakasal kaya, ang presyo nito ay magdidipende sa style at mga materyales na gagamitin. Kung nag hahanap ka ng presyo ng mga wedding invitation, mas maganda kung kontakin mo kami ng sa ganun ay malaman namin ang gusto at makapagbigay kami ng tamang estimate ng presyo.

Wedding invitation Philippines rates para sa shipping

Bagaman kami ay located sa General Santos, Philippines, kami po ay nagdideliver sa buong Pilipinas. Magtanong sa amin tungkol sa rate ng shipping at delivery.

Sino ang mga wedding invitation suppliers sa Pilipinas?

Dahil sa ang mga Pinoy ay sadyang mapagpahalaga sa kasal, tinangkilik natin ang mga produktong may koneksyon sa kasal tulad na lamang ng mga wedding invitation cards. Kung naghahanap ka ng wedding invitation suppliers Philippines, tiyak na marami kang makikita, kaya kailangan mong maging mapamili sa kung kaninong serbisyo ang kukunin mo para mag-imprenta ng inyong mga imbitasyon.

Kami sa Miss Sunny Cards ay kilalang taga-gawa ng magagara at marangal na mga wedding invitation cards na talaga namang maipagmamalaki ng mga ikakasal. Gumagamit kami ng espesyal na mga materyales kaya siguradong sulit ang inyong gastos. Mapapa-WOW kayo sa design dahil kami ay gumagamit ng laser cutting at laser printing technology na ginagamit sa maunlad na mga bansa.

Kami ang inyong wedding invitation Philippines supplier

Alam namin ang pakiramdam ng ikakasal, pinaghalong tuwa at kaba habang papalapit na ang araw ng inyong pag-iisang dibdib. Hayaan ninyong kami na ang mag-asikaso sa inyong mga pangangailangan sa mga wedding invitations. Kami ay ay experts sa larangan ng wedding invitation printing kaya makatitiyak kang nasa mabuting mga kamay ang paghahanda ng inyong mga wedding invitations!

Ang aming wedding invitations Philippines company

Kami ang Miss Sunny Cards, isang kumpanyang eksperto sa pagdesign at pag-iimprinta ng mga wedding invitations at souvenir sets, syempre, para maging mas elegante at memorable ang inyong araw ng kasal. Nauunawaan namin ang pakiramdam ng mga ikakasal, pinaghalong excitement at kaba habang papalapit na ang pinakahihintay ninyong araw. Para hindi na kayo mabalisa pa sa itsura at kalalabasan ng inyong mga wedding invitations, patinua na ninyo kaming kausapin nang mapag-usapan na natin ang disenyo ng inyong wdding invitation cards.

Buy wedding invitations online Philippines

Saan ka nga ba makakahanap ng magagandang wedding invitation na papatok sa budget at panlasa mo? Baka nakakita ng mga wedding invitations online sa pagreresearch mo. Alam mo ba na sa Miss Sunny Cards, pwede kang bumili ng wedding invitations online? Oo, pwede kang umorder ng direkta sa aming Facebook page. Bisitahin ang aming page.

Wedding invitation package Philippines

Kung oorder ka ng mga wedding invitations, mas maganda kung package na ang bibilhin mo para isahan na lang. Makatitipid ka ng panahon at pera kung wedding invitation package na ang kukunin mo. Kontakin mo na ang Miss Sunny Cards ngayon din para maumpisahan na natin ang pagpaplano at pagdidisenyo sa mga wedding invitation cards ninyo. Kami ay nag-ooffer ng kumpletong serbisyo kung tungkol sa mga imbitasyon at tinitiyak namin na maipapadala ang mga imbitasyon sa time frame na ating napagkasunduan.

Paano makakakuha ng wedding invitation ideas Philippines

Baka nagtype ka sa Google ng tanong na „how to wedding invitation ideas Philippines“? Tama naman si Mr. Google na kami ang numero uno sa resulta sapagkat alam namin ang iyong pangangailangan. Tigilan mo na ang kahahanap ng mga ideya tungkol sa wedding invitations! Ang gawin mo ay kontakin kami sa lalong madaling panahon ng maipakita namin sa iyo kung anong disenyo ng wedding invitations ang babagay sa inyo!

Paano gumawa ng native wedding invitations Philippines

Baka gusto mo ng kasalang native at Pinoy na Pinoy ang dating? Hindi yan nakapatataka dahil maraming mga ikakasal ang gusto ng theme na native sa kanilang kasalan. Natural lang din na maghanap ka ng impormasyon kung paano gagawa ng native wedding invitations Philippines style, hindi ba? Pwes, huwag ka nang maghanap! Sabihin sa amin ngayon din kung anong klaseng native wedding invitation ang gusto mo at kami na ang gagawa!

Paano gumawa ng affordable wedding invitation Philippines

Kung malapit na ang araw ng inyong kasal ngunit hanggang sa oras na ito ay hindi pa kayo nakagagawa ng wedding invitations, malamang na hindi maganda ang kalalabasan kung magkukumahog kayo sa pag disenyo ng inyong mga imbitasyon. Para hindi na kayo mahirapan, kami na ang gagawa ng inyong wedding invitation. Tiyak naming affordable at napakaganda ng inyong wedding invitations kung sa amin ninyo ito ipagagawa!

Kami ay nagbibigay ng samples ng wedding invitation para sa Philippines

Para magkaroon kayo ng ideya sa kung ano ang kaya naming gawin sa inyong wedding invitation kami po ay malugod na nag-ooffer ng hanggang sa tatlong samples ng mga imbitasyon na pwede ninyong pagpilian.

Ang inyong wedding invitation sample Philippines

Gusto mo ba ng kaakit-akit na wedding invitation para sa kasal ninyo? Humingi kayo ng wedding invitation samples sa amin ngayon din!

Pamamanhikan: Hindi Malilimutang Tradisyon Bago ang Kasal Wedding Philippines 

Pamamanhikan: Hindi Malilimutang Tradisyon Bago ang Kasal

Tuwang tuwa ang bawat isa sa magkasintahan matapos ang matagumpay na marriage proposal. So ano na ang sunod pagkatapos ng marriage proposal?

Ang tradisyon ng pamamanhikan

Dito sa Pilipinas, kaugalian na ang pagdaraos ng pamamanhikan. Ano ba ang pamamanhikan? Ito ay ang okasyon kung saan ang pamilya ng lalaki o nobyo ay pupunta sa bahay ng babae o nobya para pormal na “hingiin ang kamay ng dalaga” sa kaniyang mga magulang. Ibig sabihin lang nito na gusto nang pakasalan ng binata ang dalaga. Ang tradisyon ng pamamanhikan ay nagpapakita ng respeto at karangalan para sa mga magulang ng dalaga bago magpakasal ang magkasintahan.

Kung isa kang dalagang Pilipino, tiyak na matagal mo nang alam ang tungkol sa tradisyong ito. Lalo na kung ang iyong pamilya ay konserbatibo, alam mong ito ang gusto nilang mangyari, magkaroon muna ng pamamanhikan bago ang kasalan.

May ibang mga nobyo na talagang pinaghahandaan ang pamamanhikan. Bago sila mag propose ng kasal sa kanilang nobya, patiuna na nilang pinupuntahan at kinakausap ang magulang ng dalaga. Kaya madali na sa kanila ang pagpaplano ng pamamanhikan pagkatapos ng matagumpay na wedding proposal. Pero kahit na matagal nang tradisyon ang pamamanhikan at parang kabisado na ito ng halos lahat ng mga Pinoy, iba pa rin ang pakiramdam kung ikaw na mismo ang nobyo o ang nobya. Ang mga tanong na ano ang gagawin ko? Ano ang sasabihin naming, ano pa baa ng ihahanda maliban sa pagkain? At ano nga ba ang kalalabasan ng pamamanhikan? Ang pamamanhikan ay talagang nakaka excite at nakaka-pangilabot. Alamin natin ang mga bagay na kasama at pwedeng mangyari sa araw ng pamamanhikan.

Mga paghahanda bago ang pamamanhikan

Kung kayo ay magkasintahan na nakapag usap nang mag daos ng pamamanhikan, mas maganda kung dalawang linggo pa bago ang okasyon ay magsimula na kayong mag research, magtanong tanong at mag imagine kung ano ang mangyayari sa gabi ng pamamanhikan. Ano ang mga dapat mong asahan? Baka maiisip ng nobya ang pagdating ng pamilya ng nobyo. Ang buong mag-anak ay mababait at madaling pakisamahan pero hindi ito makakabawas sa nerbiyos na nararamdaman ng dalaga. Kahit sabihin pa na nakadalo ka na sa pamamanhikan ng kapatid o pinsan mo, na pwedeng pakiramdam mo ay isa lamang na ordinaryong okasyong pampamilya. Okay lang kung ibang myembro ng pamilya ang ikakasal, pero iba na ang usapan kung IKAW na mismo ang ikakasal.

Sa pag dating ng mismong araw ng pamanhikan, baka halos hindi mo na makontrol ang iyong nerbyos. Ang ilang dalaga ay talagang abot abot ang panalangin na maging maganda ang kalalabasan ng pamamanhikan. Kung sabagay, kilala nanaman ng mga magkasintahan ang pamilya ng bawat isa hindi ba? Alam na ninyo ang mga ugali ng bawat pamilya kaya wala ka nang masyadong maraming dahilan para manerbiyos ng todo-todo.

Ang totoo, magiging hindi naman nakakatakot ang pamamanhikan, Makikita mo, pagdumating na ang pamilya ng nobyo, ang inyong okasyon ay magiging smooth as possible. May mga pamilya na galing pa sa malalayong lugar kaya marapat lamang na asikasuhin ng mabuti ng nobya ta pamilya niya ang mga bisita.

Ano ang nagaganap sa pamamanhikan?

Kainan muna, mas maganda kung maghahanda ka ng masasarap na mga pagkain na Pinoy style para lalong maging masaya ang okasyon. Sa maraming mga pamilya, imbitado ang mga kamag-anak tulad ng mga tiyo, tiya at mga pinsan, kung minsan ay kasama pa ang malalapit na mga kaibigan. May mga pamilya naman na mas gustong ang mismong mga miyembro lang ng mag-anak ang iniimbitahan. Pwede kayong mag serve ng alak, pero tandaan na hindi ito padamihan ng maiinom, ito ay isang solemneng okasyon na dapat ay mapag-uusapan bago matapos. Ireserba na ninyo ang pag-inom ng marami sa mismong araw ng kasal.

Kadalasan, ang usapan ay pinangangasiwaan ng mga magulang ng ikakasal. Mas maganda kung ang tatay ng nobya ang unang magsasalita. Pwede niyang sabihin ang mga dahilan kung bakit ibinibigay niya ang pahintulot na pakasalan ng nobyo ang kaniyang anak. May mga tatay din na nagkukwento tungkol sa kung paano nila pinalaki ang kanilang anak na dalaga. Ang sunod na mag sasalita ay ang tatay naman ng nobyo, tulad ng sa sinabi ng tatay ng nobya, siya ay magsasalita din ng maganda tungkol sa dalagang gustong pakasalan ng kaniyang anak. Magkukwento rin ang tatay ng magagandang mga bagay tungkol sa kanyang binata.

Sa pamamanhikan sinasabi ng magkasintahan ang kanilang mga plano sa kasal. Sa panahong ito na hilaw pa ang mga detalye ng okasyon, ang mga magulang ng mga ikakasal ay magbibigay ng kanilang mga opinion at suhestyon sa pangunahing mga detalye kung tungkol sa kung kailan at saan gaganapin ang kasalan. Pwede na ring pag-usapan sa okasyong ito kung sinu-sino ang mga gagawin ninong at ning, best man, brides groom at mga abay.

Pagkatapos ng mahabang usapan ay panahon na para pasalamatan ng magkasintahan ang kanilang mga kapamilya sa suporta na ibinibigay nila sa disisyon ng dalawa na magpakasal na. Syempre, hindi na maiiwasan ang mga nakakahiyang mga pangyayari, tulad ng nakakahiyang mga kwento nang kayo ay mga bata pa. Sa bagay, mas maganda na nang magka-alam na ng maaga, at lahat naman tayo ay may ikinahihiyang mga kwento hindi ba?

Ang pamamanhikan ay isang kasuwal na gabi para mga pamilya ng mga magkasintahan, ito ay hindi dapat ikatakot, bagkos ay dapat maayos na paghandaan. Hindi naman sa ilinalayo na ng nobyo ang dalaga sa kaniyang mga kapamilya. Sa pamamagitan ng pamamanhikan, mararamdaman ng bawat isa na ang kasal ay hindi nangangahulugan ng pag-iwan, ito ay isang pagsasanib ng dalawang malaki at masayang pamilya para sa ikaliligaya ng mga magpapakasal.

Kaya bilang konklusyon, ang pamamanhikan ay isang okasyon na nakakapagod at nakaka nerbiyos, ngunit ito ay sulit kung mapaghahandaan at susuportahan ng bawat isa.

Sa panahon ding ito dapat na pag usapan ang maliliit gunit importanteng mga detalye ng kasalan tulad ng disenyo at pag-imprenta ng mga wedding invitations kasama na ang paggawa ng mga wedding souvenirs. Ang Miss Sunny Cards ay eksperto sa paggawa ng magagarang imbitasyon sa kasal na pwede mong ipagmalaki sa mga imbitadong bisita.

Paul Jake Castillo and Kaye Abad Wedding Wedding Philippines 

Paul Jake Castillo and Kaye Abad Wedding

“We started off as friends, tapos naging partner in crime kita, bestfriend, tapos hindi mo talaga napigilan, ginawa mo akong boyfriend, uhm, now i’d like to seal it.. will you marry me?”

Ito ang mga katagang binigkas ni Paul Jake, nang sinurpresa niyang yayain ng kasal si Kaye Abad. Nangyari ang proposal sa ika 34 na birthday party na hinanda ni Jake sa Aktres sa Bellevue Hotel sa Alabang, Muntinlupa City miyerkules ng gabi noong May 17, taong 2016

Talagang na sorpresa ang dalaga, hindi niya inakala na ang isang birtday party lng ay isang napaka romantic na araw pala para sa kanila ni Jake, hindi na tumangi ang dalaga at tinagap ang proposal..

Si Paul Jake Castillo Isang Filipino-American, ipananganak at lumaki sa Cebu .Kahit na galing sa mayaman na pamilya sa Cebu City, hindi siya umasa sa kanyang mga magulang, nagpursigi at nangtayo ng sariling negosyo upang makapag aral Christchurch, New Zealand ng isang taon sa kursong

Ang pamilya ni Jake ay mga negosyante na nasa likod ng mga produkto gaya nang Efficascent Oil, Bioderm, Casino Alcohol at ang Matutum Meat (Holiday Corned Beef).

Pero si Jake ay nagtayo nang kaniyang sariling business sa ang Yobob Lechon de Cebu at nabuksan noong ika 8 Nobyembre taong 2012.

Si Katherine Grace Cosme Abad o mas kilala sa Kaye Abad sa showbiz, ay isa ring Filipino-American na aktress na ipinanganak noong May0 17, 1982 sa Easton, Pennsylvania, USA, lumaki sa Imus, Cavite at panganay sa 3 na mga kapatid na mga lalaki.

Nag umpisa sa Star Circle at ngayon Star Magic 3 noong 1993 at sumali sa Ang TV ang ipinares ky John Lloyd Cruz sa programang Tabing Ilog noong 1999 hanggang 2003. Naging kilala sa larangan sa showbiz dahil sa kagalingan niya umarte, marami sya ginawang iba’t ibang role na nagpanalo din sa kanya sa ibat ibang mga awards.

Unang nagkakilala sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo sa “Precious Hearts Romance Presents: Alyna” kung saan sila naging magkaibigan simula taong 2010.. Matapos ang show ay nagpatuloy ang kanilang pagiging magkabarkada.

Mula sa pagiging magkaibigan, paano kaya nagsimula ang love story nina Kaye at Paul Jake?

Natapos ang show nagpatuloy pa ang pagkakaibigan ng dalaw. Naging close na close sila, nakilala nila, yung lahat—bad side nila, kung ano sila, walang pagkukunwari. Palagi daw pumupunta si Jake sa kanya pero akala niya simpleng tambayan lng. Dahil si Jake ay walaang pamilya sa Maynila kaya akala niya ay nghahanap lng ng tambayan,,Doon na nagtaka si Kaye nang pumunta c Jake abroad at na mimiss na niya ang binata.

kaya nang umuwi na si Jake, may tinanong ang binata sa kanya at sabi ni Kaye kung sigurado ba c Jake dahil sayang ang friendship kung hindi mag work out. Pero sinubukan nila. Sa una nagkailangn pa sila, kahit mag hawakan ng kamay dahil nga, kabarkada sila dati.Natatawa nalang silang dalawa.

Ayon pa kay Kaye, “Sinasabi ko noon na hindi at imposible kasi very platonic yung relationship namin. Oo, magkasundo kami pero pag-iniisip ko na yung romantic side, parang hindi.” “Actually nagulat kaming dalawa at kinain ko yung mga sinabi ko na imposibleng maging kami.”

Inamin ni kaye na minsan si net up niya sa isang date sa ibang babae si Jake, hindi niya talaga inakala na magiging sila.

Inamin ni Kaye na takot sya sa ideya na magpakasal at lumagay na sa tahimik,pero ayaw niya mag sabi ng patapos, tingnan nlng daw nila ang mangyayari sa hinaharap.

Hindi nila akalain na nag work out naman, at eto na nga “engaged” na sila.

Dalawang linggo matapos ang engagement ng dalawa, minamadali na ng dalaw ang preparasyon para sa kanilang kasal. Dahil ayon ky Jake gusto na rin nilang magkaroon na anak.

Ang kasal ay idinaos sa San Pedro Calungsod Chapel sa Cebu City noong Disyembre 9, taong 2016.
Ilan sa mga bisita nila ay sina Camille Prats, John Prats, Isabl Oli, Jason Abalos, Kitkat, Nikki Valdez, Sue Ramirez, Patrick Garcia at ang kanyang asawa.

Hinatid si Kaye ng kanyang mga magular sa altar habang naghihintay si Jake. Napaiyak ang dalaga ng mag mano si Jake sa kanynag ama at ina bago tuluyang inabot ng ama ni Kaye ang kanyang kamay ky Jake.

Ang reception ay sumunod sa Radison Blu Cebu. Nandoon din si Jed Madel upang kumanta at pagkatapos ay sumayaw ang lahat sa dance floor.

Pagkatapos ng kasal ay sumama na si Kaye ky Jake sa Cebu, marami ang nag aabang na sa susunod, ay binyagan na naman ng kanilang magiging anak ang kanilng ipadidiriwang.

Photo: Nice Print Photography

Kasalang Isabelle Daza at Adrien Semblat Wedding Philippines 

Kasalang Isabelle Daza at Adrien Semblat

Naganap ang isang napakagandang pagdiriwang ng pag-iisang dibdib ni Isabelle Daza at ng kanyang French boyfriend-Adrien Semblat sa Tuscany, Italy noong ika-10 ng Septyembre taong 2016. Syempre, hindi magpapahuli ang kanilang malalapit na kaanak at kaibigan na saksihan ang kanilang sumpaan sa harap ng altar.

Matatandaang nag-status ang dalaga noong ika-5 ng Pebrero ng nakaraang taon sa kanyang facebook account ng “I said yes”.

Ngunit, alam nyo ba na malayo sa love-at-first-sight ang kanilang buhay pag-ibig? Pitong beses tinanggihan ng aktres ang binata dahil kagagaling lamang niya sa hiwalayan ng kanyang Filipino-boyfriend ng anim na taon ng mga panahong yon, palaging kinukulit ang dalaga ng mga kaibigan na kilalanin si Adrien ng maigi ngunit hindi pa siya handa para rito. Pursigido ang binata na ligawan ng paulit-ulit ang aktres. Isang beses niyaya niya ang dalaga na maglaro ng football sa Manila Bay kasama ang mga street children, umo-o ang dalaga ngunit sa last minute na magkikita na sila, nag cancel ang dalaga dahil masama ang pakiramdam nito.

Nung araw ding yon, may nagyaya rin sa dalaga na isang kaibigan upang magliwaliw sa Rockwell, sa hindi inaasahang pagkakataon nakita niya si Adrien doon. Hindi naniwala ang binata na nasa bahay lang siya buong araw, subalit yon ang totoo. Nagtagal ang panliligaw ng binata ng apat na buwan bago niya napasagot ang dalaga.

Bago pa man ang pinakahihintay na sandali ng kanilang pag-iisang dibdib ay naidaos sa Bali, Indonesia ang bachelorette party ni Isabelle na kinabibilangan ng kanyang kapatid na si Ava at ilang malapit na kaibigan na sina Solenn Heusaff, Carla Humphries, Bea Soriano, Raymond Gutierrez, Nicole Anderson, Martine Cajucom noong ika-26 ng Agosto 2016.

Sa palapit na na araw ng kanilang kasal ay inanyayahan ng dalawa ang kanilang mga panauhin para sa isang kasiyahan t pagtitipon sa Tuscan Hotel na tinatawag ding Castello di Gargonza, dito rin ginanap ang kanilang reception venue.

Ilang sikat na mga artista ang pumunta, ang ina niyang dating Miss Universe (1969) na si Gloria Diaz, andito rin ang mga pinsan ni Belle na sina Georgina Wilson, Jessica Diaz-Wilson, at Martine Cajucom, andirito rin ang iba pang malapit sa aktres na sina Bea Soriano, Solenn Heusaff, at ang kanyang kapatid na si Erwan, Anne Curtis, Rajo Laurel, Tim Yap, Liz Uy, at Raymond Gutierrez. Nandirito rin ang iba pang kaibigan ni Isabelle sa industriya na sina Kim Atienza at dating kinatawan ng Cavite na si Gilbert Remulla.

Suot ng dalaga ang gawa ni Vera Wang isang flowing strapless gown na may cinched na may laso na lilac sa may baywang at kasama niyang naglakad pababa ng pasilyo ng simbahan ang dating kinatawan at senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, ito ang pumalit sa namayapang ama ng dalaga na si Gabriel “Bong” Daza III na namatay noong ika-11 ng Hulyo.

Ayon sa wedding photographer na si Francis Perez, ginanap ang kasal sa simbahan ng St. Francis sa Tuscany, Italy.

Naipahayag din ni Belle sa media na hindi siya gaanong naging hands-on sa detalye ng kasal ngunit habang papalapit na ang araw ay napagtuonan niya ng pansin ang mga maliliit na bagay tulad ng giveaway bags para sa lahat ng dadalo.

Sinigurado ng magkasintahan na ang lahat ay magsasaya sa indayog ng musika at sayaw. Meron din silang cocktails bago magsimula ang aktwal na kasiyahan. Nilinaw din ng dalaga na tuloy ang karera niya sa pag-aartista, kahit pa man nalagay na siya sa tahimik.

Photo: Isabelle Daza’s Instagram

Arthur Burnand and Georgina Wilson Wedding – A Love Story Wedding Philippines 

Arthur Burnand and Georgina Wilson Wedding – A Love Story

Indorser, modelo at isang dating Asia’s Next Top Model Host– Georgina Wilson ay nakumpirmang ikinasal sa isang British Businessman na si Arthur Burnand sa simbahan ng St. Peter Winchester, Hampshire England noong ika-30 ng Abril taong 2016, dinaluhan ito ng kanilang pamilya at malapit na kaibigan.

Si Georgina ay isang half-English, half-Filipina at walong taon na niyang kilala si Arthur, pati na ang kanyang pamilya at mga kaibigan nito. Nagkakilala sila ngunit may nobyo noon ang aktres. Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita ulit ang dalawa taong 2015 nung bumiyahe sya papuntang Australia, at nasabi ng aktres sa sariling “Oh my God, this is the guy I am going to marry” (Diyos ko! Ito na ang lalaking pakakasalan ko). Mula noon, nakilala na ng mas maigi ng mga kaibigan ng aktres si Arthur, lalo na ng sumama at dumalo ito sa engagement celebration ni Solenn sa Argentina.

Ibinunyag ni Arthur ang proposal marriage nya para sa dalaga sa parehong lugar kung saan siya nakatira at kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Nagulat ang dalaga nang biglang lumuhod ang binata at umiiyak, natawa lang sya at hindi nya inasahan ang lahat ng iyon ay nangyari, gayunpaman ay umo-o sya sa binata.

Nagulantang ang iba sa balitang ito, dalawang taon matapos ang hiwalayan nila ng kanyang dating nobyo ng apat na taon na si Borgy Manotoc.

Matatandaang ipinahayag ng aktres sa publiko ang kanyang pagpapakasal noong ika-29 ng Abril 2016 na ikinagulat ng kanyang mga tagahanga.

Sa kanilang nakatakdang araw ay nakagigiliw pagmasdan ang dalawa na parang isang hari at reyna, suot ng aktres ang gawa ni Monique Lhuillier na galing sa kanyang Fall 2015 collection at ang okasyon ay kuha ni Hugo Burnand na siya ring nagdokumento ng kasal ng isang duke at dukesa sa Cambridge taong 2011.

Mailan-ilang tanyag na tao sa industriya na malapit sa aktres ang lumipad sa Inglatera na sina – Anne Curtis, Isabelle Daza, Rajo Laurel, Carla Humphries, Solenn Heusaff, Nico Bolzico, Laureen Uy, Robbie Pinera, Tim Yap, BJ Pascual, Nix Alanon, Jasmine Curtis-Smith, Raymond Gutierrez, Bea Soriano at Liz Uy.

Georgina Wilson Wedding Gown
Photo: Rappler

Umamin si Georgina na may takot sya sa pagpapakasal ngunit napagtanto niyang mali sya, at nasasabik magkaroon ng mga anak sa hinaharap.

Nilinaw din ng aktres na hindi matatapos ang kanyang paglabas sa mga tv shows dahil lang sa paglagay niya sa tahimik.

Matapos ang kanilang kasal ay nasabi ni Georgina sa media na bagaman malayo sila sa isa’t-isa, dumadalaw naman ang aktor dito sa Pilipinas tuwing katapusan ng linggo. Magkaiba man sila ng bansa upang magtrabaho, may magandang naidudulot rin daw ito upang magkaroon siya ng oras sa kayang sarili at mga kaibigan, at kapag nandito si Arthur, masasabi niyang may quality time talaga sila.
May iilang araw lang ang inilagi nila sa Spain para sa kanilang honeymoon. Agusto ng nakaraang taon ay nalaman ni Georgina na apat na buwan na siyang nagdadalang-tao. Lumipas ang ilang buwan ay nagkaroon sila ng baby shower na inayos ng kapatid ni Georgina na si Jessica sa Le Jardin Manila, ika-2 ng Oktubre.

Ika-14 ng Disyembre ay iniluwal niya ang isang lalaking sanggol na pinangalanan nilang Archie Burnand. Si baby Archie ang pinaka-unang anak ni Georgina at Arthur.

Paul Soriano and Toni Gonzaga Love Story and Wedding Day Wedding Philippines 

Paul Soriano and Toni Gonzaga Love Story and Wedding Day

Toni: “Para sa nakaraang pitong taon na siya (Paul) ay naging pinaka huli sa aking prioridad, pero si Paul ay nanatiling totoo. At kanyang pinatunayan sa akin na tunay na naghihintay ang pag-ibig at hinintay niya talaga ako. Kaya sabi ko kapag ako ay naging asawa niya, hindi na siya ang pangatlong prioridad ko, sisiguraduhin kong siya ay tangi ko nang prioridad, at sa lahat ng bagay sino pa ang paririto ay sekundaryo nalang. Kaya gusto kong pasalamatan siya para sa walang maliw, para sa pasensya, sa pag unawa!

Paul: “Pinagpala ako ng Diyos sa isang tao na tulad ni Toni,Habang nakikita ko si Toni na bumababa sa pasilyo, nakita ko na ang lahat, ang aking hinaharap, ang magandang ina ng aking mga magiging mga anak.”

Toni: “Mula ngayon, ang iyong kaligayahan ay akin ding kaligayahan. Ano man ang makakapalungkot sa iyo ay mas higit na kalungkutan ko, at kung ano man ang makakapasakit sa iyo ay mas higit pang masakit sa akin.”

Toni: “Ito ay isang mahabang paglalakbay aking mahal, at ngayon, sa wakas ikakasal na tayo” at ito ay isang makabuluhang kwento ng pag-ibig dahil sinulat mismo ito ng Diyos para sa atin, Maari na nating gawin ngayon ang ano mang gusto nating gawin, at hindina kailangang ihatid mo ako sa bahay dahil simula ngayon, ikaw na ang aking tahanan.”

Halos ang lahat ay napaluha sa kanilang mga binitawang panagako sa isat isa, Marami ang natuwa sa kanilang pinakita at pagpapatotoo na mayroong “Forever” sa panahon ng kanilng pag iisang dibdib noong Hunyo 12 taong 2015 sa Taytay…

Paano ba nagsimula ang kanilang pagmamahalan?

Nagkakilala sila sa isang concierto ni Gary Valaenciano sa Music Museum noong taong 2006 na si Paul o mas kilala bilang “Direk Paul” na siya mismo ang nag direct ng concierto.

Aminado si Direk Paul na hindi niya alam paano ligawan si Toni sa Pilipino tradisyunal na paraan ng panliligaw dahil siya ay hindi lumaki sa Pilipinas. Subalit ang kanyang pag-ibig at pagpapasya ay nanaig bilang siya, na nagsimula ng pagbisita sa aktres sa ilan sa kanyang mga palabas.

Pagkatapos ng higit sa pitong buwan na panliligaw, si Toni ay sa wakas napa OO kay Paul…

Walong taon matapos ang nakakakilig na pahayag lumuhod ang direktor binusa ang tanong na kahit sinong solong babae ay ipagpapalit ang kanyang kalayaan, At na rin, ang aming “Multimedia Superstar” naging isang”. Multimedia- tagapagtaguyod na ng “Forever”. Napaiyak ang aktres pagkatapos tinanggap ang proposal ng nobyo.

Toni Gonzaga and Paul Soriano Wedding Vows

Photos: Rappler

Inabangan ko noon ang bawat yugto ng kanilang pagmamahalan. Nakangiti at kinikilig ako habang pinapanood ko sa Nationwide TV ang kanilang kasal, habang si Toni ay naglalakad sa pasilyo, kasama ang kanyang mga magulang na sina Pinty at Bonoy Gonzaga at ang kanyang nakababatang kapatid na abay niya sa kasal, suot ni Toni ang isang eleganteng gown na gawa ni Vera Wang, na mas nagpatingkad sa kanyang kagandahan. Si Paul Soriano, na suot ang Hugo Boss Suit na mas nagpakita sa kanyang kakisigan at pagka pormal, kasama ang mga magulang habang hinihintay at pinananabikan ang kanyang magiging Mrs. Soriano.

Sa reception sa Rockwell Tent, nagtipon tipon ang lahat ng mga taong naging saksi din sa kanilang pagmamahalan, mga kaibigan, mga kapamilya , mga katrabaho, suot ang bawat ngiti at dama ang kaligayahan at pagmamahalan.

Ali Khatibi and Cristine Reyes Wedding Wedding Philippines 

Ali Khatibi and Cristine Reyes Wedding

Sino ang makakalimot sa kasalan ng dalawang magsing irog na sina Ana Marie Cristine Reyes isang actress at Ali Khatibi isang martial arts expert noong ika- 27 ng Enero taong 2016 na naganap sa Balesin Spa Balesin Quezon.

Hindi man engrande ang kasal ng dalawa, nairaos din ito kahit na ito’y pribado, taimtim, napaka simple pero elegante. Bago ang nangyaring kasalan, binahagi ni Cristine na una niyang nakilala si Ali taong 2005 ngunit nag umpisa silang magkita at mag date noong taong 2013. Sumunod na taon, nagulat ang lahat ng ipahayag niya na sya ay nagdadalang tao at ang ama ay si Ali Khatibi. Pero nilinaw niya na planado nilang dalawa ang kanyang pagbubuntis. Makaraan ang pitong buwan, noong Setyembre taong 2015 nang ipahayag ni Cristine na siya ay ikakasal na sa ama ng anak niya na si Amarah, na si Ali.

Matatandaang si Amarah ay ipinanganak noong ika 8 ng Pebrero taong 2015 na kulang sa buwan kaya naman matapos manganak ay tutok na rutok si Cristine sa pag aalaga sa anak.

Ang unang plano ng dalawa noon ay Disyembre taong 2016 ang kasal ngunit marami ang mga bagay bagay na nakaantala. Sabi ni Cristine pinili nila ang Enero 27 dahil magkasabay din daw. Ito sa nalaman nila ang nararamdaman nila sa isat isa.

Dinaluhan ng piling pili na mga panauhin ang kasal. Iilang kaibigan, kaanak lamang ang dumalo. Kabilang sa dumalo ay ang nakatatandang kapatid ni Cristine na si Ara Mina at matalik na kaibigan na si Cat Ilacad.

Ang koronang bulaklak sa ulo ni Cristine ay mas nagpa tingkad sa kanyang suot na isang simpleng hanggang tuhod, walang manggas at kulay abuhin na damit at habang naglalakad suot ang isang pares na tsinelas at walang make up tingkad na tingkad parin ang kagandahan ng aktres.

Christine Reyes

Habang si Ali naman nakasuot ng mataas na manggas na kamisadentrong puti at kulay khaki na pang ibaba, talaga namang kahit simple ay angat pa rin ang kagwapohan at kakisigan.

Sabi ni Cristine , ang ceremonya sa Balesin ay para lamang gawing legal ang kanilang pag iisang dibdib, at sila ay nakatakdang magpakasal sa isang mas malaki na ceremonya kapag lahat ay naisaayos na.

Ang lahat ng bisita na dumalo sa kasalang Cristine-Ali Khatibi ay umalis na napaluha, saksi sa totoong pagmamahalan ng dalawa at nagbigay ng purong kahulugan na ang pagmamahalan ay hindi puro bahaghari lamang kundi handa itong suungin ang unos at matinding ulan na darating pa sa hinaharap.

Sa instagram ng aktres, kinabukasan ng kasalang larawan ng kanilang mga singsing sa kasal na may naka ukit na God, Children, Cristine, Ali…

Isang taon at magtatatlong buwan na ang nakalipas na silay nagsumpaan, at batid parin ng mga tao ang mainit nilang pagmamahalan.

Christine Reyes Wedding Rings

Photos: Nice Print Photography

Ano ba ang mga kailangan sa kasal dito sa Pilipinas? Wedding Philippines 

Ano ba ang mga kailangan sa kasal dito sa Pilipinas?

Ang pagpapakasal ay isa sa pinakamahalagang desisyon na gagawin ng magkasintahan. Ito ay seryosong bagay dahil sa mata ng Diyos, kapag ikinasal ang dalawang tao, sila ay magiging isa at tanging kamatayan lamang ang makakapaghiwalay sa kanila. Ngunit kailangan din na maging legal ang pagpapakasal nila upang maging sa batas ay tinuturing sila bilang mag-asawa.

Kasal sa Simbahan

A. Basic Requirements

  • Kopya ng Baptismal at Confirmation Certificates ng bride at groom galing sa simbahang pinanggalingan nila. Ito ay may validity lamang na anim na buwan at kailangang maipasa ito dalawang buwan bago ang kasal. Kailangang nakasulat din dito na FOR MARRIAGE PURPOSES ONLY.
  • Marriage License na nakuha mula sa Civil Registry of Marriage ng lungsod ng kahit sinuman sa bride o groom. Ito ay may validity na 120 days o apat na buwan. Kapag ang License na nakuha ay hindi galing sa Maynila, kailangang magpakita ng valid ID o proof of billing bilang patunay ng iyong paninirahan.
    • Kung nagkaroon na ng kasal sa huwes at gusto lamang magpakasal sa simbahan, magpakita ng Marriage Contract mula sa National Statistics Office(NSO) o kaya ay Marriage Certificate mula sa bansang kayo ay ikinasal. Kailangang maipasa ito dalawang buwan bago ang kasal sa simbahan.
  • Canonical Interview ng groom at bride na gagawin dalawang buwan bago ang kasal.
  • Certification of Attendance na makukuha kapag dumalo sa Pre-Cana Seminar o Marriage Preparation Program. Kapag nasa ibang bansa, may certification pa ring makukuha mula sa simbahang dinaluhan mo sa nasabing bansa.
  • Pahintulot mula sa simbahang na pinanggalingan ng ikakasal na ibibigay sa simbahang pagdadausan ng kasal.
  • ECCLESIASTICAL O WEDDING BANNS na ipapahayag ng tatlong magkasunod na Linggo sa simbahan ng groom at bride.
  • Listahan ng pangalan at tirahan ng mga ninang at ninong sa kasal.
  • CENOMAR o Certificate of No Marriage. Ito ang dokumentong magpapatunay na single ang isang tao at maaari siyang ikasal.
  • Kung nakabase sa ibang bansa, kailangang kumuha ng Certificate of Freedom to Marry mula sa kura paroko ng lugar na iyon.
  • Para naman sa anibersaryo ng kasal, magpakita ng kopya ng iyong Marriage Contract at Interview mula sa kura paroko.
  • Kung ikaw naman ay nagtatrabaho bilang sundalo, kailangan ang pahintulot mula sa headquarter.
  • Para naman sa naikasal na noon ngunit nagpa-anull ng kasal, kailangan ang Document of Nutility galing sa Matrimonial Tribunal at letter of approval mula sa Archdiocesan Chancery Office.

B. Ibang requirements

  • Pagpapakasal ng Hindi Parehong Katoliko
    • Certificate of Freedom to Marry mula sa pastor o ministro ng nasabing relihiyon.
    • PROMISE FOR MIXED MARRIAGE form na kailangang ifill-up sa panahon ng interview. Ito ay ipapasa sa Chancery Office para sa approval.
  • Pagpapakasal ng Pilipino at Dayuhan
    • Clearance mula sa Chancery Office ng Archdiocese ng Maynila
    • Certificate of Freedom to Marry mula sa parokya ng dayuhan.
    • Legal Capacity to Marry mula sa embassy o national consulate ng dayuhan

Kasal sa Huwes

A. Basic Requirements

  • Marriage License
  • Baptismal Certificate o kaya ay NSO Birth Certificate ng bride at groom
  • Community Tax Certificate o CEDULA ng bride at groom
  • Tig-isang ID picture
  • Certificate of Attendance sa isang seminar para sa kasal. Ang ikakasal ay kailangang dumalo sa nasabing seminar bago makakuha ng marriage license.
  • Letter of Intent to Marry- Nakasulat dito ang pangalan ng ikakasal, ang araw ng kasal at pirma.

B. Ibang requirements

  • Kapag byuda at nagbabalak na magpakasal ulit, kailangan ang Death Certificate ng namatay na asawa.
  • Kapag divorced o annulled, kailangan ang kopya ng Final Decree of Absolute Divorce o Court Decision and Absolute Decree of Finality mula sa korte.
  • Kapag nagpakasal naman ang Pilipino at dayuhan, kailangan ang Certificate of Legal Capacity to Marry mula sa embassy at ang photo copy ng passport ng dayuhan.

Kahit anong gusto mong klase ng kasal, mapachurch wedding o kasal sa huwes, sigurohin na legal at nasunod niyo ang mga requirements ng gubyerno ng Pilipinas.

Pamahiin sa Kasal – Maniniwala ka ba? Wedding Philippines 

Pamahiin sa Kasal – Maniniwala ka ba?

Ang mga Pilipino ay may makulay na kultura at tradisyon na sinusunod ng ating mga ninuno at itinuturo maging sa mga susunod na henerasyon. Isa na riyan ay ang pagkakaroon ng maraming pamahiin sa kasal. Heto ang ilang mga pamahiin na sinusunod ng mga Pilipino:

  • Bawal ikasal ang magkapatid sa iisang taon lamang – Tinatawag itong “sukob” o kaya ay nagdadala ng malas sa pagsasama ng mag-aasawa. Imbes na mapunta sa isa ang swerte, mahahati raw ito sa magkapatid. Sa kabilang banda, tama rin naman na hindi magkasabay sa isang taon ang magkapatid lalo na kung parehong lalaki dahil ang laking gastos nun.
  • Hindi magandang magsuot ng alahas na gawa sa perlas ang bride – Ito ay dahil ang perlas ay sinasabing nagsisimbolo ng luha kaya magiging malungkot at mapait ang buhay may-asawa ng babae. Dahil dito, piliin na lang na gumamit ng gold or silver. Mas madali pang makabili sa murang halaga.
  • Bawal isukat ang wedding gown ng babae bago ang kasal – Nagdadala umano ito ng malas at hindi natutuloy ang kasal. Sa tingin ko, mas hindi maganda kapag tumaba ka at sumikip ang gown. Kaya dapat simulan nang magdiet habang papalapit ang kasal. Iwasan muna magextra rice,iha.
  • Huwag munang magbyahe bago ang kasal – Sinasabing ang mga ikakasal ay mas malapit sa disgrasya kaya pinapayuhang manatili lang sa bahay. Kaya huwag munang ituloy ang mga travel goals niyo. Iwas gastos at makakapagbeauty rest ka pa.
  • Malas kapag nakabasag o kaya ay nahulog ang singsing sa kasal – Kapag nangyari ito, masisira umano ang iyong gagawing pamilya at mauuwi kayo sa pagiging broken family. Hindi naman talaga maganda kapag nakabasag ka, makakabayad ka ng malaki lalo na at hindi mo pag-aari ang bagay na nabasag mo. Kapag nahulog naman ang singsing, napaghahalataang kinakabahan ka at nanginginig ang kamay mo. Just relax!
  • Kapag naunang namatay ang kandila na malapit sa asawa, mauuna siyang mamatay at vice versa – Malay mo naman ay mahangin lang nung panahong yun o may bagyong paparating.
  • Bawal magkita at magpalitrato na magkasama bago ang araw ng kasal – Dahil raw ito na makikita na nila ang kanilang kapalaran kapag nagkita sila. Kaya hindi muna pwede magselfie ang magkasintahan bago ang araw ng kasal. Sa susunod na magpost ng picture okay?
  • Swerte kapag inulan ang kasal – Sinasabing ang ulan ay nagdadala ng kasaganaan at nagkakaroon ang mag-asawa ng maraming anak. Okay lang ang kasaganaan sa buhay, ngunit ang maraming anak, huwag na siguro. May panukala na hanggang tatlong anak na lang ang pwede sa Pilipinas kaya sumunod naman tayo sa batas.
  • Ang bridesmaid na makakasalo ng bulaklak ang susunod na ikakasal – Naipapasa umano ang swerte ng bagong kasal sa pagsalo ng bulaklak. May kasabihan ika nga na “always a bridesmaid, never a bride”. Kaya kung ikaw ay palaging bridesmaid, unahan mo ang iba sa pagsalo ng bulaklak. Malay mo, makita mo na ang kaforever mo.
  • Ang bagong kasal ang unang maghahati ng cake at kakain nito – Nagsisimbolo ito ng matamis at masayang pagsasama ng bagong kasal. At syempre, unfair naman yata kung mauuna ang mga guest sa pagkain ng cake. Baka ang ending, maubusan ang bagong kasal at hindi man lang nila natikman ang inihandang cake para sa kasal nila.

Ang mga tradisyong ito ay nagmula pa noong unang panahon. Sa makabagong panahon, iilan na lamang ang sumusunod rito. Sabi ng iba, wala naman daw mawawala kung susundin ito. Ngunit mayroon ding mga sumusunod sa sinasabi ng Bibliya na hindi dapat ilagay ang tiwala sa swerte at malas at sa kahit anong bagay na kaakibat ng masamang espiritu. Nasa iyo pa rin ang desisyon kung susundin mo ang mga pamahiin sa kasal. Kahit ano pa man, isa lamang ang sigurado: Ang magandang pagsasama ay nagsisimula kapag binigyang importansya niyo ang Diyos sa inyong relasyon at sinusunod ang mga advices na nakapaloob sa kanyang salita. Kailangan din ang bukas na komunikasyon at pagkakaunawaan upang malutas agad ang mga problemang kakaharapin niyo bilang mag-asawa.

Panliligaw – Noon at Ngayon Wedding Philippines 

Panliligaw – Noon at Ngayon

Bulaklak, liham, at harana – ilan lamang ito sa mga bagay na nagpapahiwatig ng tradisyunal na paraan ng panliligaw. Ang paraan ng panliligaw na ito ang nakagisnan ng ating mga magulang at nakikita nila sa paligid noong sila ay bata pa. O baka nga ang ating mga magulang ay nakaranas mismo ng ganyang paraan ng panliligaw noon. Ngayong ikaw ay dalaga o binata na, maaaring gusto mong malaman kung paano sila manligaw noong unang panahon.

Pahirapan ang paraan ng panliligaw noon. Ang lalaki ay dadaan muna sa butas ng karayom upang makuha lamang ang matamis na “oo” ng kanyang iniibig. Ang panliligaw ay maaaring magsimula sa munting liham para sa babae na naglalahad ng kanyang pagsinta. Gumagamit ng makatang mga salita ang lalaki sa kanyang liham. Syempre, hindi pa nagtatapos sa pagsasabi ng saloobin ang kanyang panliligaw. Susunod na hakbang ng lalaki ay ang panghaharana sa harap ng bahay ng babae. Kadalasan ay nagsasama ng ilang mga kaibigan ang lalaki sa panghaharana at umaawit ng mga awit ng pag-ibig kahit na sintunado. Kailangan din na makuha ng lalaki, hindi lamang ang pag-ibig ng babae, kundi ang pagsang-ayon din ng mga magulang nito sa kanyang panliligaw. Ang pagsang-ayong ito ay hindi madaling makuha dahil bago pumayag ang mga magulang ng babae, kailangan dumaan ang lalaki sa ilang pagsubok. Halimbawa nito ay ang pagsisibak ng kahoy o kaya ay pag-iigib ng tubig. Ang mga pagsubok na ito ay para masuri ng mga magulang ng babae kung karapat-dapat ba ang lalaki para sa kanilang anak. Sinusukat din nito ang katatagan at determinasyon ng lalaki na makamit ang kanyang minamahal. Dahil dito, napapakita ang pagiging masipag, matiyaga at matatag ng isang lalaki.

Ibang-iba na ang panahon ngayon at maging ang paraan ng panlilligaw. Maging ang mga magulang ay nahihirapang intindihin ang bagong trend na ito. Heto ang ilang mga bagay na totoong nangyayari sa mga kabataan ngayon at paraan ng kanilang panliligaw. Kung noon ay kailangan pumunta ng lalaki sa bahay ng babae upang umakyat ng ligaw, ngayon ay pwede nang manligaw sa pamamagitan ng text o chat. Tila hindi na kailangan ang pahintulot ng magulang ng babae upang manligaw o kaya maging magkasintahan. Dahil diyan, maraming magkasintahan ngayon na ang relasyon ay palihim kaya hindi na nakikilala at nakikilatis ng husto ng mga magulang ng babae ang lalaking napupusuan ng kanilang anak. Hindi na din uso ang pagsusulat ng liham at panghaharana dahil meron namang load na unlitext at unlitawag kung saan pwede mo pang makausap o makatext ang mahal mo ng buong araw at kahit magdamagan pa. Minsan nga, may mga sitwasyong ang babae na ang nanliligaw at nagpapakita ng motibo.

Kung ako ang tatanungin, bilang babae, mas pipiliin ko ang tradisyunal na paraan ng panliligaw. Bakit? Una, ang tradisyunal na paraan ay mas romantiko. Syempre, mas romantiko ang lalaking marunong mag effort para sa kanyang iniibig. Kahit simpleng sulat lamang ang matanggap natin, nakakapagsaya na ito ng ating mga puso. Talaga namang mas mahirap magsulat kaysa magtext ano? Pangalawa, mas masaya ang relasyon kapag may pahintulot ng magulang. Hindi mo na kailangan itago ang inyong relasyon ng iyong kasintahan at mapapayuhan pa kayo ng mga nakakatanda kung ano ang dapat na gawin upang maging matibay ang pagsasama. Pangatlo, mas makikilala mo ang pagkatao ng iyong kasintahan. Makikita mo kung siya ba ay masipag at matiyaga sa pamamagitan ng kanyang paraan ng panliligaw sayo. At girls tandaan, huwag basta ibigay ang matamis na “oo”. Bigyan mo naman ng halaga ang sarili mo. Isipin mong ikaw ay diyamante na kailangan paghirapan bago makuha dahil kapag ikaw ay madaling pumayag at magkaroon ng karelasyon, pinapababa mo lang ang iyong halaga at ganun din ang iisipin ng lalaki tungkol sa iyo.

Magkaiba man ang paraan ng panliligaw noon at ngayon, parehas parin ang pagmamahal na ipinakita ng mga Pilipino para sa kanilang iniibig. Kahit anong paraan man ang sundin mo sa panliligaw, laging isipin na ang panlilligaw at pagkakaroon ng kasintahan ay isang seryosong bagay.