nandito ka
Pamamanhikan: Hindi Malilimutang Tradisyon Bago ang Kasal Wedding Philippines 

Pamamanhikan: Hindi Malilimutang Tradisyon Bago ang Kasal

Tuwang tuwa ang bawat isa sa magkasintahan matapos ang matagumpay na marriage proposal. So ano na ang sunod pagkatapos ng marriage proposal?

Ang tradisyon ng pamamanhikan

Dito sa Pilipinas, kaugalian na ang pagdaraos ng pamamanhikan. Ano ba ang pamamanhikan? Ito ay ang okasyon kung saan ang pamilya ng lalaki o nobyo ay pupunta sa bahay ng babae o nobya para pormal na “hingiin ang kamay ng dalaga” sa kaniyang mga magulang. Ibig sabihin lang nito na gusto nang pakasalan ng binata ang dalaga. Ang tradisyon ng pamamanhikan ay nagpapakita ng respeto at karangalan para sa mga magulang ng dalaga bago magpakasal ang magkasintahan.

Kung isa kang dalagang Pilipino, tiyak na matagal mo nang alam ang tungkol sa tradisyong ito. Lalo na kung ang iyong pamilya ay konserbatibo, alam mong ito ang gusto nilang mangyari, magkaroon muna ng pamamanhikan bago ang kasalan.

May ibang mga nobyo na talagang pinaghahandaan ang pamamanhikan. Bago sila mag propose ng kasal sa kanilang nobya, patiuna na nilang pinupuntahan at kinakausap ang magulang ng dalaga. Kaya madali na sa kanila ang pagpaplano ng pamamanhikan pagkatapos ng matagumpay na wedding proposal. Pero kahit na matagal nang tradisyon ang pamamanhikan at parang kabisado na ito ng halos lahat ng mga Pinoy, iba pa rin ang pakiramdam kung ikaw na mismo ang nobyo o ang nobya. Ang mga tanong na ano ang gagawin ko? Ano ang sasabihin naming, ano pa baa ng ihahanda maliban sa pagkain? At ano nga ba ang kalalabasan ng pamamanhikan? Ang pamamanhikan ay talagang nakaka excite at nakaka-pangilabot. Alamin natin ang mga bagay na kasama at pwedeng mangyari sa araw ng pamamanhikan.

Mga paghahanda bago ang pamamanhikan

Kung kayo ay magkasintahan na nakapag usap nang mag daos ng pamamanhikan, mas maganda kung dalawang linggo pa bago ang okasyon ay magsimula na kayong mag research, magtanong tanong at mag imagine kung ano ang mangyayari sa gabi ng pamamanhikan. Ano ang mga dapat mong asahan? Baka maiisip ng nobya ang pagdating ng pamilya ng nobyo. Ang buong mag-anak ay mababait at madaling pakisamahan pero hindi ito makakabawas sa nerbiyos na nararamdaman ng dalaga. Kahit sabihin pa na nakadalo ka na sa pamamanhikan ng kapatid o pinsan mo, na pwedeng pakiramdam mo ay isa lamang na ordinaryong okasyong pampamilya. Okay lang kung ibang myembro ng pamilya ang ikakasal, pero iba na ang usapan kung IKAW na mismo ang ikakasal.

Sa pag dating ng mismong araw ng pamanhikan, baka halos hindi mo na makontrol ang iyong nerbyos. Ang ilang dalaga ay talagang abot abot ang panalangin na maging maganda ang kalalabasan ng pamamanhikan. Kung sabagay, kilala nanaman ng mga magkasintahan ang pamilya ng bawat isa hindi ba? Alam na ninyo ang mga ugali ng bawat pamilya kaya wala ka nang masyadong maraming dahilan para manerbiyos ng todo-todo.

Ang totoo, magiging hindi naman nakakatakot ang pamamanhikan, Makikita mo, pagdumating na ang pamilya ng nobyo, ang inyong okasyon ay magiging smooth as possible. May mga pamilya na galing pa sa malalayong lugar kaya marapat lamang na asikasuhin ng mabuti ng nobya ta pamilya niya ang mga bisita.

Ano ang nagaganap sa pamamanhikan?

Kainan muna, mas maganda kung maghahanda ka ng masasarap na mga pagkain na Pinoy style para lalong maging masaya ang okasyon. Sa maraming mga pamilya, imbitado ang mga kamag-anak tulad ng mga tiyo, tiya at mga pinsan, kung minsan ay kasama pa ang malalapit na mga kaibigan. May mga pamilya naman na mas gustong ang mismong mga miyembro lang ng mag-anak ang iniimbitahan. Pwede kayong mag serve ng alak, pero tandaan na hindi ito padamihan ng maiinom, ito ay isang solemneng okasyon na dapat ay mapag-uusapan bago matapos. Ireserba na ninyo ang pag-inom ng marami sa mismong araw ng kasal.

Kadalasan, ang usapan ay pinangangasiwaan ng mga magulang ng ikakasal. Mas maganda kung ang tatay ng nobya ang unang magsasalita. Pwede niyang sabihin ang mga dahilan kung bakit ibinibigay niya ang pahintulot na pakasalan ng nobyo ang kaniyang anak. May mga tatay din na nagkukwento tungkol sa kung paano nila pinalaki ang kanilang anak na dalaga. Ang sunod na mag sasalita ay ang tatay naman ng nobyo, tulad ng sa sinabi ng tatay ng nobya, siya ay magsasalita din ng maganda tungkol sa dalagang gustong pakasalan ng kaniyang anak. Magkukwento rin ang tatay ng magagandang mga bagay tungkol sa kanyang binata.

Sa pamamanhikan sinasabi ng magkasintahan ang kanilang mga plano sa kasal. Sa panahong ito na hilaw pa ang mga detalye ng okasyon, ang mga magulang ng mga ikakasal ay magbibigay ng kanilang mga opinion at suhestyon sa pangunahing mga detalye kung tungkol sa kung kailan at saan gaganapin ang kasalan. Pwede na ring pag-usapan sa okasyong ito kung sinu-sino ang mga gagawin ninong at ning, best man, brides groom at mga abay.

Pagkatapos ng mahabang usapan ay panahon na para pasalamatan ng magkasintahan ang kanilang mga kapamilya sa suporta na ibinibigay nila sa disisyon ng dalawa na magpakasal na. Syempre, hindi na maiiwasan ang mga nakakahiyang mga pangyayari, tulad ng nakakahiyang mga kwento nang kayo ay mga bata pa. Sa bagay, mas maganda na nang magka-alam na ng maaga, at lahat naman tayo ay may ikinahihiyang mga kwento hindi ba?

Ang pamamanhikan ay isang kasuwal na gabi para mga pamilya ng mga magkasintahan, ito ay hindi dapat ikatakot, bagkos ay dapat maayos na paghandaan. Hindi naman sa ilinalayo na ng nobyo ang dalaga sa kaniyang mga kapamilya. Sa pamamagitan ng pamamanhikan, mararamdaman ng bawat isa na ang kasal ay hindi nangangahulugan ng pag-iwan, ito ay isang pagsasanib ng dalawang malaki at masayang pamilya para sa ikaliligaya ng mga magpapakasal.

Kaya bilang konklusyon, ang pamamanhikan ay isang okasyon na nakakapagod at nakaka nerbiyos, ngunit ito ay sulit kung mapaghahandaan at susuportahan ng bawat isa.

Sa panahon ding ito dapat na pag usapan ang maliliit gunit importanteng mga detalye ng kasalan tulad ng disenyo at pag-imprenta ng mga wedding invitations kasama na ang paggawa ng mga wedding souvenirs. Ang Miss Sunny Cards ay eksperto sa paggawa ng magagarang imbitasyon sa kasal na pwede mong ipagmalaki sa mga imbitadong bisita.

Paul Jake Castillo and Kaye Abad Wedding Wedding Philippines 

Paul Jake Castillo and Kaye Abad Wedding

“We started off as friends, tapos naging partner in crime kita, bestfriend, tapos hindi mo talaga napigilan, ginawa mo akong boyfriend, uhm, now i’d like to seal it.. will you marry me?”

Ito ang mga katagang binigkas ni Paul Jake, nang sinurpresa niyang yayain ng kasal si Kaye Abad. Nangyari ang proposal sa ika 34 na birthday party na hinanda ni Jake sa Aktres sa Bellevue Hotel sa Alabang, Muntinlupa City miyerkules ng gabi noong May 17, taong 2016

Talagang na sorpresa ang dalaga, hindi niya inakala na ang isang birtday party lng ay isang napaka romantic na araw pala para sa kanila ni Jake, hindi na tumangi ang dalaga at tinagap ang proposal..

Si Paul Jake Castillo Isang Filipino-American, ipananganak at lumaki sa Cebu .Kahit na galing sa mayaman na pamilya sa Cebu City, hindi siya umasa sa kanyang mga magulang, nagpursigi at nangtayo ng sariling negosyo upang makapag aral Christchurch, New Zealand ng isang taon sa kursong

Ang pamilya ni Jake ay mga negosyante na nasa likod ng mga produkto gaya nang Efficascent Oil, Bioderm, Casino Alcohol at ang Matutum Meat (Holiday Corned Beef).

Pero si Jake ay nagtayo nang kaniyang sariling business sa ang Yobob Lechon de Cebu at nabuksan noong ika 8 Nobyembre taong 2012.

Si Katherine Grace Cosme Abad o mas kilala sa Kaye Abad sa showbiz, ay isa ring Filipino-American na aktress na ipinanganak noong May0 17, 1982 sa Easton, Pennsylvania, USA, lumaki sa Imus, Cavite at panganay sa 3 na mga kapatid na mga lalaki.

Nag umpisa sa Star Circle at ngayon Star Magic 3 noong 1993 at sumali sa Ang TV ang ipinares ky John Lloyd Cruz sa programang Tabing Ilog noong 1999 hanggang 2003. Naging kilala sa larangan sa showbiz dahil sa kagalingan niya umarte, marami sya ginawang iba’t ibang role na nagpanalo din sa kanya sa ibat ibang mga awards.

Unang nagkakilala sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo sa “Precious Hearts Romance Presents: Alyna” kung saan sila naging magkaibigan simula taong 2010.. Matapos ang show ay nagpatuloy ang kanilang pagiging magkabarkada.

Mula sa pagiging magkaibigan, paano kaya nagsimula ang love story nina Kaye at Paul Jake?

Natapos ang show nagpatuloy pa ang pagkakaibigan ng dalaw. Naging close na close sila, nakilala nila, yung lahat—bad side nila, kung ano sila, walang pagkukunwari. Palagi daw pumupunta si Jake sa kanya pero akala niya simpleng tambayan lng. Dahil si Jake ay walaang pamilya sa Maynila kaya akala niya ay nghahanap lng ng tambayan,,Doon na nagtaka si Kaye nang pumunta c Jake abroad at na mimiss na niya ang binata.

kaya nang umuwi na si Jake, may tinanong ang binata sa kanya at sabi ni Kaye kung sigurado ba c Jake dahil sayang ang friendship kung hindi mag work out. Pero sinubukan nila. Sa una nagkailangn pa sila, kahit mag hawakan ng kamay dahil nga, kabarkada sila dati.Natatawa nalang silang dalawa.

Ayon pa kay Kaye, “Sinasabi ko noon na hindi at imposible kasi very platonic yung relationship namin. Oo, magkasundo kami pero pag-iniisip ko na yung romantic side, parang hindi.” “Actually nagulat kaming dalawa at kinain ko yung mga sinabi ko na imposibleng maging kami.”

Inamin ni kaye na minsan si net up niya sa isang date sa ibang babae si Jake, hindi niya talaga inakala na magiging sila.

Inamin ni Kaye na takot sya sa ideya na magpakasal at lumagay na sa tahimik,pero ayaw niya mag sabi ng patapos, tingnan nlng daw nila ang mangyayari sa hinaharap.

Hindi nila akalain na nag work out naman, at eto na nga “engaged” na sila.

Dalawang linggo matapos ang engagement ng dalawa, minamadali na ng dalaw ang preparasyon para sa kanilang kasal. Dahil ayon ky Jake gusto na rin nilang magkaroon na anak.

Ang kasal ay idinaos sa San Pedro Calungsod Chapel sa Cebu City noong Disyembre 9, taong 2016.
Ilan sa mga bisita nila ay sina Camille Prats, John Prats, Isabl Oli, Jason Abalos, Kitkat, Nikki Valdez, Sue Ramirez, Patrick Garcia at ang kanyang asawa.

Hinatid si Kaye ng kanyang mga magular sa altar habang naghihintay si Jake. Napaiyak ang dalaga ng mag mano si Jake sa kanynag ama at ina bago tuluyang inabot ng ama ni Kaye ang kanyang kamay ky Jake.

Ang reception ay sumunod sa Radison Blu Cebu. Nandoon din si Jed Madel upang kumanta at pagkatapos ay sumayaw ang lahat sa dance floor.

Pagkatapos ng kasal ay sumama na si Kaye ky Jake sa Cebu, marami ang nag aabang na sa susunod, ay binyagan na naman ng kanilang magiging anak ang kanilng ipadidiriwang.

Photo: Nice Print Photography

Kasalang Isabelle Daza at Adrien Semblat Wedding Philippines 

Kasalang Isabelle Daza at Adrien Semblat

Naganap ang isang napakagandang pagdiriwang ng pag-iisang dibdib ni Isabelle Daza at ng kanyang French boyfriend-Adrien Semblat sa Tuscany, Italy noong ika-10 ng Septyembre taong 2016. Syempre, hindi magpapahuli ang kanilang malalapit na kaanak at kaibigan na saksihan ang kanilang sumpaan sa harap ng altar.

Matatandaang nag-status ang dalaga noong ika-5 ng Pebrero ng nakaraang taon sa kanyang facebook account ng “I said yes”.

Ngunit, alam nyo ba na malayo sa love-at-first-sight ang kanilang buhay pag-ibig? Pitong beses tinanggihan ng aktres ang binata dahil kagagaling lamang niya sa hiwalayan ng kanyang Filipino-boyfriend ng anim na taon ng mga panahong yon, palaging kinukulit ang dalaga ng mga kaibigan na kilalanin si Adrien ng maigi ngunit hindi pa siya handa para rito. Pursigido ang binata na ligawan ng paulit-ulit ang aktres. Isang beses niyaya niya ang dalaga na maglaro ng football sa Manila Bay kasama ang mga street children, umo-o ang dalaga ngunit sa last minute na magkikita na sila, nag cancel ang dalaga dahil masama ang pakiramdam nito.

Nung araw ding yon, may nagyaya rin sa dalaga na isang kaibigan upang magliwaliw sa Rockwell, sa hindi inaasahang pagkakataon nakita niya si Adrien doon. Hindi naniwala ang binata na nasa bahay lang siya buong araw, subalit yon ang totoo. Nagtagal ang panliligaw ng binata ng apat na buwan bago niya napasagot ang dalaga.

Bago pa man ang pinakahihintay na sandali ng kanilang pag-iisang dibdib ay naidaos sa Bali, Indonesia ang bachelorette party ni Isabelle na kinabibilangan ng kanyang kapatid na si Ava at ilang malapit na kaibigan na sina Solenn Heusaff, Carla Humphries, Bea Soriano, Raymond Gutierrez, Nicole Anderson, Martine Cajucom noong ika-26 ng Agosto 2016.

Sa palapit na na araw ng kanilang kasal ay inanyayahan ng dalawa ang kanilang mga panauhin para sa isang kasiyahan t pagtitipon sa Tuscan Hotel na tinatawag ding Castello di Gargonza, dito rin ginanap ang kanilang reception venue.

Ilang sikat na mga artista ang pumunta, ang ina niyang dating Miss Universe (1969) na si Gloria Diaz, andito rin ang mga pinsan ni Belle na sina Georgina Wilson, Jessica Diaz-Wilson, at Martine Cajucom, andirito rin ang iba pang malapit sa aktres na sina Bea Soriano, Solenn Heusaff, at ang kanyang kapatid na si Erwan, Anne Curtis, Rajo Laurel, Tim Yap, Liz Uy, at Raymond Gutierrez. Nandirito rin ang iba pang kaibigan ni Isabelle sa industriya na sina Kim Atienza at dating kinatawan ng Cavite na si Gilbert Remulla.

Suot ng dalaga ang gawa ni Vera Wang isang flowing strapless gown na may cinched na may laso na lilac sa may baywang at kasama niyang naglakad pababa ng pasilyo ng simbahan ang dating kinatawan at senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, ito ang pumalit sa namayapang ama ng dalaga na si Gabriel “Bong” Daza III na namatay noong ika-11 ng Hulyo.

Ayon sa wedding photographer na si Francis Perez, ginanap ang kasal sa simbahan ng St. Francis sa Tuscany, Italy.

Naipahayag din ni Belle sa media na hindi siya gaanong naging hands-on sa detalye ng kasal ngunit habang papalapit na ang araw ay napagtuonan niya ng pansin ang mga maliliit na bagay tulad ng giveaway bags para sa lahat ng dadalo.

Sinigurado ng magkasintahan na ang lahat ay magsasaya sa indayog ng musika at sayaw. Meron din silang cocktails bago magsimula ang aktwal na kasiyahan. Nilinaw din ng dalaga na tuloy ang karera niya sa pag-aartista, kahit pa man nalagay na siya sa tahimik.

Photo: Isabelle Daza’s Instagram

Arthur Burnand and Georgina Wilson Wedding – A Love Story Wedding Philippines 

Arthur Burnand and Georgina Wilson Wedding – A Love Story

Indorser, modelo at isang dating Asia’s Next Top Model Host– Georgina Wilson ay nakumpirmang ikinasal sa isang British Businessman na si Arthur Burnand sa simbahan ng St. Peter Winchester, Hampshire England noong ika-30 ng Abril taong 2016, dinaluhan ito ng kanilang pamilya at malapit na kaibigan.

Si Georgina ay isang half-English, half-Filipina at walong taon na niyang kilala si Arthur, pati na ang kanyang pamilya at mga kaibigan nito. Nagkakilala sila ngunit may nobyo noon ang aktres. Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita ulit ang dalawa taong 2015 nung bumiyahe sya papuntang Australia, at nasabi ng aktres sa sariling “Oh my God, this is the guy I am going to marry” (Diyos ko! Ito na ang lalaking pakakasalan ko). Mula noon, nakilala na ng mas maigi ng mga kaibigan ng aktres si Arthur, lalo na ng sumama at dumalo ito sa engagement celebration ni Solenn sa Argentina.

Ibinunyag ni Arthur ang proposal marriage nya para sa dalaga sa parehong lugar kung saan siya nakatira at kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Nagulat ang dalaga nang biglang lumuhod ang binata at umiiyak, natawa lang sya at hindi nya inasahan ang lahat ng iyon ay nangyari, gayunpaman ay umo-o sya sa binata.

Nagulantang ang iba sa balitang ito, dalawang taon matapos ang hiwalayan nila ng kanyang dating nobyo ng apat na taon na si Borgy Manotoc.

Matatandaang ipinahayag ng aktres sa publiko ang kanyang pagpapakasal noong ika-29 ng Abril 2016 na ikinagulat ng kanyang mga tagahanga.

Sa kanilang nakatakdang araw ay nakagigiliw pagmasdan ang dalawa na parang isang hari at reyna, suot ng aktres ang gawa ni Monique Lhuillier na galing sa kanyang Fall 2015 collection at ang okasyon ay kuha ni Hugo Burnand na siya ring nagdokumento ng kasal ng isang duke at dukesa sa Cambridge taong 2011.

Mailan-ilang tanyag na tao sa industriya na malapit sa aktres ang lumipad sa Inglatera na sina – Anne Curtis, Isabelle Daza, Rajo Laurel, Carla Humphries, Solenn Heusaff, Nico Bolzico, Laureen Uy, Robbie Pinera, Tim Yap, BJ Pascual, Nix Alanon, Jasmine Curtis-Smith, Raymond Gutierrez, Bea Soriano at Liz Uy.

Georgina Wilson Wedding Gown
Photo: Rappler

Umamin si Georgina na may takot sya sa pagpapakasal ngunit napagtanto niyang mali sya, at nasasabik magkaroon ng mga anak sa hinaharap.

Nilinaw din ng aktres na hindi matatapos ang kanyang paglabas sa mga tv shows dahil lang sa paglagay niya sa tahimik.

Matapos ang kanilang kasal ay nasabi ni Georgina sa media na bagaman malayo sila sa isa’t-isa, dumadalaw naman ang aktor dito sa Pilipinas tuwing katapusan ng linggo. Magkaiba man sila ng bansa upang magtrabaho, may magandang naidudulot rin daw ito upang magkaroon siya ng oras sa kayang sarili at mga kaibigan, at kapag nandito si Arthur, masasabi niyang may quality time talaga sila.
May iilang araw lang ang inilagi nila sa Spain para sa kanilang honeymoon. Agusto ng nakaraang taon ay nalaman ni Georgina na apat na buwan na siyang nagdadalang-tao. Lumipas ang ilang buwan ay nagkaroon sila ng baby shower na inayos ng kapatid ni Georgina na si Jessica sa Le Jardin Manila, ika-2 ng Oktubre.

Ika-14 ng Disyembre ay iniluwal niya ang isang lalaking sanggol na pinangalanan nilang Archie Burnand. Si baby Archie ang pinaka-unang anak ni Georgina at Arthur.

Paul Soriano and Toni Gonzaga Love Story and Wedding Day Wedding Philippines 

Paul Soriano and Toni Gonzaga Love Story and Wedding Day

Toni: “Para sa nakaraang pitong taon na siya (Paul) ay naging pinaka huli sa aking prioridad, pero si Paul ay nanatiling totoo. At kanyang pinatunayan sa akin na tunay na naghihintay ang pag-ibig at hinintay niya talaga ako. Kaya sabi ko kapag ako ay naging asawa niya, hindi na siya ang pangatlong prioridad ko, sisiguraduhin kong siya ay tangi ko nang prioridad, at sa lahat ng bagay sino pa ang paririto ay sekundaryo nalang. Kaya gusto kong pasalamatan siya para sa walang maliw, para sa pasensya, sa pag unawa!

Paul: “Pinagpala ako ng Diyos sa isang tao na tulad ni Toni,Habang nakikita ko si Toni na bumababa sa pasilyo, nakita ko na ang lahat, ang aking hinaharap, ang magandang ina ng aking mga magiging mga anak.”

Toni: “Mula ngayon, ang iyong kaligayahan ay akin ding kaligayahan. Ano man ang makakapalungkot sa iyo ay mas higit na kalungkutan ko, at kung ano man ang makakapasakit sa iyo ay mas higit pang masakit sa akin.”

Toni: “Ito ay isang mahabang paglalakbay aking mahal, at ngayon, sa wakas ikakasal na tayo” at ito ay isang makabuluhang kwento ng pag-ibig dahil sinulat mismo ito ng Diyos para sa atin, Maari na nating gawin ngayon ang ano mang gusto nating gawin, at hindina kailangang ihatid mo ako sa bahay dahil simula ngayon, ikaw na ang aking tahanan.”

Halos ang lahat ay napaluha sa kanilang mga binitawang panagako sa isat isa, Marami ang natuwa sa kanilang pinakita at pagpapatotoo na mayroong “Forever” sa panahon ng kanilng pag iisang dibdib noong Hunyo 12 taong 2015 sa Taytay…

Paano ba nagsimula ang kanilang pagmamahalan?

Nagkakilala sila sa isang concierto ni Gary Valaenciano sa Music Museum noong taong 2006 na si Paul o mas kilala bilang “Direk Paul” na siya mismo ang nag direct ng concierto.

Aminado si Direk Paul na hindi niya alam paano ligawan si Toni sa Pilipino tradisyunal na paraan ng panliligaw dahil siya ay hindi lumaki sa Pilipinas. Subalit ang kanyang pag-ibig at pagpapasya ay nanaig bilang siya, na nagsimula ng pagbisita sa aktres sa ilan sa kanyang mga palabas.

Pagkatapos ng higit sa pitong buwan na panliligaw, si Toni ay sa wakas napa OO kay Paul…

Walong taon matapos ang nakakakilig na pahayag lumuhod ang direktor binusa ang tanong na kahit sinong solong babae ay ipagpapalit ang kanyang kalayaan, At na rin, ang aming “Multimedia Superstar” naging isang”. Multimedia- tagapagtaguyod na ng “Forever”. Napaiyak ang aktres pagkatapos tinanggap ang proposal ng nobyo.

Toni Gonzaga and Paul Soriano Wedding Vows

Photos: Rappler

Inabangan ko noon ang bawat yugto ng kanilang pagmamahalan. Nakangiti at kinikilig ako habang pinapanood ko sa Nationwide TV ang kanilang kasal, habang si Toni ay naglalakad sa pasilyo, kasama ang kanyang mga magulang na sina Pinty at Bonoy Gonzaga at ang kanyang nakababatang kapatid na abay niya sa kasal, suot ni Toni ang isang eleganteng gown na gawa ni Vera Wang, na mas nagpatingkad sa kanyang kagandahan. Si Paul Soriano, na suot ang Hugo Boss Suit na mas nagpakita sa kanyang kakisigan at pagka pormal, kasama ang mga magulang habang hinihintay at pinananabikan ang kanyang magiging Mrs. Soriano.

Sa reception sa Rockwell Tent, nagtipon tipon ang lahat ng mga taong naging saksi din sa kanilang pagmamahalan, mga kaibigan, mga kapamilya , mga katrabaho, suot ang bawat ngiti at dama ang kaligayahan at pagmamahalan.

Ali Khatibi and Cristine Reyes Wedding Wedding Philippines 

Ali Khatibi and Cristine Reyes Wedding

Sino ang makakalimot sa kasalan ng dalawang magsing irog na sina Ana Marie Cristine Reyes isang actress at Ali Khatibi isang martial arts expert noong ika- 27 ng Enero taong 2016 na naganap sa Balesin Spa Balesin Quezon.

Hindi man engrande ang kasal ng dalawa, nairaos din ito kahit na ito’y pribado, taimtim, napaka simple pero elegante. Bago ang nangyaring kasalan, binahagi ni Cristine na una niyang nakilala si Ali taong 2005 ngunit nag umpisa silang magkita at mag date noong taong 2013. Sumunod na taon, nagulat ang lahat ng ipahayag niya na sya ay nagdadalang tao at ang ama ay si Ali Khatibi. Pero nilinaw niya na planado nilang dalawa ang kanyang pagbubuntis. Makaraan ang pitong buwan, noong Setyembre taong 2015 nang ipahayag ni Cristine na siya ay ikakasal na sa ama ng anak niya na si Amarah, na si Ali.

Matatandaang si Amarah ay ipinanganak noong ika 8 ng Pebrero taong 2015 na kulang sa buwan kaya naman matapos manganak ay tutok na rutok si Cristine sa pag aalaga sa anak.

Ang unang plano ng dalawa noon ay Disyembre taong 2016 ang kasal ngunit marami ang mga bagay bagay na nakaantala. Sabi ni Cristine pinili nila ang Enero 27 dahil magkasabay din daw. Ito sa nalaman nila ang nararamdaman nila sa isat isa.

Dinaluhan ng piling pili na mga panauhin ang kasal. Iilang kaibigan, kaanak lamang ang dumalo. Kabilang sa dumalo ay ang nakatatandang kapatid ni Cristine na si Ara Mina at matalik na kaibigan na si Cat Ilacad.

Ang koronang bulaklak sa ulo ni Cristine ay mas nagpa tingkad sa kanyang suot na isang simpleng hanggang tuhod, walang manggas at kulay abuhin na damit at habang naglalakad suot ang isang pares na tsinelas at walang make up tingkad na tingkad parin ang kagandahan ng aktres.

Christine Reyes

Habang si Ali naman nakasuot ng mataas na manggas na kamisadentrong puti at kulay khaki na pang ibaba, talaga namang kahit simple ay angat pa rin ang kagwapohan at kakisigan.

Sabi ni Cristine , ang ceremonya sa Balesin ay para lamang gawing legal ang kanilang pag iisang dibdib, at sila ay nakatakdang magpakasal sa isang mas malaki na ceremonya kapag lahat ay naisaayos na.

Ang lahat ng bisita na dumalo sa kasalang Cristine-Ali Khatibi ay umalis na napaluha, saksi sa totoong pagmamahalan ng dalawa at nagbigay ng purong kahulugan na ang pagmamahalan ay hindi puro bahaghari lamang kundi handa itong suungin ang unos at matinding ulan na darating pa sa hinaharap.

Sa instagram ng aktres, kinabukasan ng kasalang larawan ng kanilang mga singsing sa kasal na may naka ukit na God, Children, Cristine, Ali…

Isang taon at magtatatlong buwan na ang nakalipas na silay nagsumpaan, at batid parin ng mga tao ang mainit nilang pagmamahalan.

Christine Reyes Wedding Rings

Photos: Nice Print Photography

Ano ba ang mga kailangan sa kasal dito sa Pilipinas? Wedding Philippines 

Ano ba ang mga kailangan sa kasal dito sa Pilipinas?

Ang pagpapakasal ay isa sa pinakamahalagang desisyon na gagawin ng magkasintahan. Ito ay seryosong bagay dahil sa mata ng Diyos, kapag ikinasal ang dalawang tao, sila ay magiging isa at tanging kamatayan lamang ang makakapaghiwalay sa kanila. Ngunit kailangan din na maging legal ang pagpapakasal nila upang maging sa batas ay tinuturing sila bilang mag-asawa.

Kasal sa Simbahan

A. Basic Requirements

  • Kopya ng Baptismal at Confirmation Certificates ng bride at groom galing sa simbahang pinanggalingan nila. Ito ay may validity lamang na anim na buwan at kailangang maipasa ito dalawang buwan bago ang kasal. Kailangang nakasulat din dito na FOR MARRIAGE PURPOSES ONLY.
  • Marriage License na nakuha mula sa Civil Registry of Marriage ng lungsod ng kahit sinuman sa bride o groom. Ito ay may validity na 120 days o apat na buwan. Kapag ang License na nakuha ay hindi galing sa Maynila, kailangang magpakita ng valid ID o proof of billing bilang patunay ng iyong paninirahan.
    • Kung nagkaroon na ng kasal sa huwes at gusto lamang magpakasal sa simbahan, magpakita ng Marriage Contract mula sa National Statistics Office(NSO) o kaya ay Marriage Certificate mula sa bansang kayo ay ikinasal. Kailangang maipasa ito dalawang buwan bago ang kasal sa simbahan.
  • Canonical Interview ng groom at bride na gagawin dalawang buwan bago ang kasal.
  • Certification of Attendance na makukuha kapag dumalo sa Pre-Cana Seminar o Marriage Preparation Program. Kapag nasa ibang bansa, may certification pa ring makukuha mula sa simbahang dinaluhan mo sa nasabing bansa.
  • Pahintulot mula sa simbahang na pinanggalingan ng ikakasal na ibibigay sa simbahang pagdadausan ng kasal.
  • ECCLESIASTICAL O WEDDING BANNS na ipapahayag ng tatlong magkasunod na Linggo sa simbahan ng groom at bride.
  • Listahan ng pangalan at tirahan ng mga ninang at ninong sa kasal.
  • CENOMAR o Certificate of No Marriage. Ito ang dokumentong magpapatunay na single ang isang tao at maaari siyang ikasal.
  • Kung nakabase sa ibang bansa, kailangang kumuha ng Certificate of Freedom to Marry mula sa kura paroko ng lugar na iyon.
  • Para naman sa anibersaryo ng kasal, magpakita ng kopya ng iyong Marriage Contract at Interview mula sa kura paroko.
  • Kung ikaw naman ay nagtatrabaho bilang sundalo, kailangan ang pahintulot mula sa headquarter.
  • Para naman sa naikasal na noon ngunit nagpa-anull ng kasal, kailangan ang Document of Nutility galing sa Matrimonial Tribunal at letter of approval mula sa Archdiocesan Chancery Office.

B. Ibang requirements

  • Pagpapakasal ng Hindi Parehong Katoliko
    • Certificate of Freedom to Marry mula sa pastor o ministro ng nasabing relihiyon.
    • PROMISE FOR MIXED MARRIAGE form na kailangang ifill-up sa panahon ng interview. Ito ay ipapasa sa Chancery Office para sa approval.
  • Pagpapakasal ng Pilipino at Dayuhan
    • Clearance mula sa Chancery Office ng Archdiocese ng Maynila
    • Certificate of Freedom to Marry mula sa parokya ng dayuhan.
    • Legal Capacity to Marry mula sa embassy o national consulate ng dayuhan

Kasal sa Huwes

A. Basic Requirements

  • Marriage License
  • Baptismal Certificate o kaya ay NSO Birth Certificate ng bride at groom
  • Community Tax Certificate o CEDULA ng bride at groom
  • Tig-isang ID picture
  • Certificate of Attendance sa isang seminar para sa kasal. Ang ikakasal ay kailangang dumalo sa nasabing seminar bago makakuha ng marriage license.
  • Letter of Intent to Marry- Nakasulat dito ang pangalan ng ikakasal, ang araw ng kasal at pirma.

B. Ibang requirements

  • Kapag byuda at nagbabalak na magpakasal ulit, kailangan ang Death Certificate ng namatay na asawa.
  • Kapag divorced o annulled, kailangan ang kopya ng Final Decree of Absolute Divorce o Court Decision and Absolute Decree of Finality mula sa korte.
  • Kapag nagpakasal naman ang Pilipino at dayuhan, kailangan ang Certificate of Legal Capacity to Marry mula sa embassy at ang photo copy ng passport ng dayuhan.

Kahit anong gusto mong klase ng kasal, mapachurch wedding o kasal sa huwes, sigurohin na legal at nasunod niyo ang mga requirements ng gubyerno ng Pilipinas.

Pamahiin sa Kasal – Maniniwala ka ba? Wedding Philippines 

Pamahiin sa Kasal – Maniniwala ka ba?

Ang mga Pilipino ay may makulay na kultura at tradisyon na sinusunod ng ating mga ninuno at itinuturo maging sa mga susunod na henerasyon. Isa na riyan ay ang pagkakaroon ng maraming pamahiin sa kasal. Heto ang ilang mga pamahiin na sinusunod ng mga Pilipino:

  • Bawal ikasal ang magkapatid sa iisang taon lamang – Tinatawag itong “sukob” o kaya ay nagdadala ng malas sa pagsasama ng mag-aasawa. Imbes na mapunta sa isa ang swerte, mahahati raw ito sa magkapatid. Sa kabilang banda, tama rin naman na hindi magkasabay sa isang taon ang magkapatid lalo na kung parehong lalaki dahil ang laking gastos nun.
  • Hindi magandang magsuot ng alahas na gawa sa perlas ang bride – Ito ay dahil ang perlas ay sinasabing nagsisimbolo ng luha kaya magiging malungkot at mapait ang buhay may-asawa ng babae. Dahil dito, piliin na lang na gumamit ng gold or silver. Mas madali pang makabili sa murang halaga.
  • Bawal isukat ang wedding gown ng babae bago ang kasal – Nagdadala umano ito ng malas at hindi natutuloy ang kasal. Sa tingin ko, mas hindi maganda kapag tumaba ka at sumikip ang gown. Kaya dapat simulan nang magdiet habang papalapit ang kasal. Iwasan muna magextra rice,iha.
  • Huwag munang magbyahe bago ang kasal – Sinasabing ang mga ikakasal ay mas malapit sa disgrasya kaya pinapayuhang manatili lang sa bahay. Kaya huwag munang ituloy ang mga travel goals niyo. Iwas gastos at makakapagbeauty rest ka pa.
  • Malas kapag nakabasag o kaya ay nahulog ang singsing sa kasal – Kapag nangyari ito, masisira umano ang iyong gagawing pamilya at mauuwi kayo sa pagiging broken family. Hindi naman talaga maganda kapag nakabasag ka, makakabayad ka ng malaki lalo na at hindi mo pag-aari ang bagay na nabasag mo. Kapag nahulog naman ang singsing, napaghahalataang kinakabahan ka at nanginginig ang kamay mo. Just relax!
  • Kapag naunang namatay ang kandila na malapit sa asawa, mauuna siyang mamatay at vice versa – Malay mo naman ay mahangin lang nung panahong yun o may bagyong paparating.
  • Bawal magkita at magpalitrato na magkasama bago ang araw ng kasal – Dahil raw ito na makikita na nila ang kanilang kapalaran kapag nagkita sila. Kaya hindi muna pwede magselfie ang magkasintahan bago ang araw ng kasal. Sa susunod na magpost ng picture okay?
  • Swerte kapag inulan ang kasal – Sinasabing ang ulan ay nagdadala ng kasaganaan at nagkakaroon ang mag-asawa ng maraming anak. Okay lang ang kasaganaan sa buhay, ngunit ang maraming anak, huwag na siguro. May panukala na hanggang tatlong anak na lang ang pwede sa Pilipinas kaya sumunod naman tayo sa batas.
  • Ang bridesmaid na makakasalo ng bulaklak ang susunod na ikakasal – Naipapasa umano ang swerte ng bagong kasal sa pagsalo ng bulaklak. May kasabihan ika nga na “always a bridesmaid, never a bride”. Kaya kung ikaw ay palaging bridesmaid, unahan mo ang iba sa pagsalo ng bulaklak. Malay mo, makita mo na ang kaforever mo.
  • Ang bagong kasal ang unang maghahati ng cake at kakain nito – Nagsisimbolo ito ng matamis at masayang pagsasama ng bagong kasal. At syempre, unfair naman yata kung mauuna ang mga guest sa pagkain ng cake. Baka ang ending, maubusan ang bagong kasal at hindi man lang nila natikman ang inihandang cake para sa kasal nila.

Ang mga tradisyong ito ay nagmula pa noong unang panahon. Sa makabagong panahon, iilan na lamang ang sumusunod rito. Sabi ng iba, wala naman daw mawawala kung susundin ito. Ngunit mayroon ding mga sumusunod sa sinasabi ng Bibliya na hindi dapat ilagay ang tiwala sa swerte at malas at sa kahit anong bagay na kaakibat ng masamang espiritu. Nasa iyo pa rin ang desisyon kung susundin mo ang mga pamahiin sa kasal. Kahit ano pa man, isa lamang ang sigurado: Ang magandang pagsasama ay nagsisimula kapag binigyang importansya niyo ang Diyos sa inyong relasyon at sinusunod ang mga advices na nakapaloob sa kanyang salita. Kailangan din ang bukas na komunikasyon at pagkakaunawaan upang malutas agad ang mga problemang kakaharapin niyo bilang mag-asawa.

Panliligaw – Noon at Ngayon Wedding Philippines 

Panliligaw – Noon at Ngayon

Bulaklak, liham, at harana – ilan lamang ito sa mga bagay na nagpapahiwatig ng tradisyunal na paraan ng panliligaw. Ang paraan ng panliligaw na ito ang nakagisnan ng ating mga magulang at nakikita nila sa paligid noong sila ay bata pa. O baka nga ang ating mga magulang ay nakaranas mismo ng ganyang paraan ng panliligaw noon. Ngayong ikaw ay dalaga o binata na, maaaring gusto mong malaman kung paano sila manligaw noong unang panahon.

Pahirapan ang paraan ng panliligaw noon. Ang lalaki ay dadaan muna sa butas ng karayom upang makuha lamang ang matamis na “oo” ng kanyang iniibig. Ang panliligaw ay maaaring magsimula sa munting liham para sa babae na naglalahad ng kanyang pagsinta. Gumagamit ng makatang mga salita ang lalaki sa kanyang liham. Syempre, hindi pa nagtatapos sa pagsasabi ng saloobin ang kanyang panliligaw. Susunod na hakbang ng lalaki ay ang panghaharana sa harap ng bahay ng babae. Kadalasan ay nagsasama ng ilang mga kaibigan ang lalaki sa panghaharana at umaawit ng mga awit ng pag-ibig kahit na sintunado. Kailangan din na makuha ng lalaki, hindi lamang ang pag-ibig ng babae, kundi ang pagsang-ayon din ng mga magulang nito sa kanyang panliligaw. Ang pagsang-ayong ito ay hindi madaling makuha dahil bago pumayag ang mga magulang ng babae, kailangan dumaan ang lalaki sa ilang pagsubok. Halimbawa nito ay ang pagsisibak ng kahoy o kaya ay pag-iigib ng tubig. Ang mga pagsubok na ito ay para masuri ng mga magulang ng babae kung karapat-dapat ba ang lalaki para sa kanilang anak. Sinusukat din nito ang katatagan at determinasyon ng lalaki na makamit ang kanyang minamahal. Dahil dito, napapakita ang pagiging masipag, matiyaga at matatag ng isang lalaki.

Ibang-iba na ang panahon ngayon at maging ang paraan ng panlilligaw. Maging ang mga magulang ay nahihirapang intindihin ang bagong trend na ito. Heto ang ilang mga bagay na totoong nangyayari sa mga kabataan ngayon at paraan ng kanilang panliligaw. Kung noon ay kailangan pumunta ng lalaki sa bahay ng babae upang umakyat ng ligaw, ngayon ay pwede nang manligaw sa pamamagitan ng text o chat. Tila hindi na kailangan ang pahintulot ng magulang ng babae upang manligaw o kaya maging magkasintahan. Dahil diyan, maraming magkasintahan ngayon na ang relasyon ay palihim kaya hindi na nakikilala at nakikilatis ng husto ng mga magulang ng babae ang lalaking napupusuan ng kanilang anak. Hindi na din uso ang pagsusulat ng liham at panghaharana dahil meron namang load na unlitext at unlitawag kung saan pwede mo pang makausap o makatext ang mahal mo ng buong araw at kahit magdamagan pa. Minsan nga, may mga sitwasyong ang babae na ang nanliligaw at nagpapakita ng motibo.

Kung ako ang tatanungin, bilang babae, mas pipiliin ko ang tradisyunal na paraan ng panliligaw. Bakit? Una, ang tradisyunal na paraan ay mas romantiko. Syempre, mas romantiko ang lalaking marunong mag effort para sa kanyang iniibig. Kahit simpleng sulat lamang ang matanggap natin, nakakapagsaya na ito ng ating mga puso. Talaga namang mas mahirap magsulat kaysa magtext ano? Pangalawa, mas masaya ang relasyon kapag may pahintulot ng magulang. Hindi mo na kailangan itago ang inyong relasyon ng iyong kasintahan at mapapayuhan pa kayo ng mga nakakatanda kung ano ang dapat na gawin upang maging matibay ang pagsasama. Pangatlo, mas makikilala mo ang pagkatao ng iyong kasintahan. Makikita mo kung siya ba ay masipag at matiyaga sa pamamagitan ng kanyang paraan ng panliligaw sayo. At girls tandaan, huwag basta ibigay ang matamis na “oo”. Bigyan mo naman ng halaga ang sarili mo. Isipin mong ikaw ay diyamante na kailangan paghirapan bago makuha dahil kapag ikaw ay madaling pumayag at magkaroon ng karelasyon, pinapababa mo lang ang iyong halaga at ganun din ang iisipin ng lalaki tungkol sa iyo.

Magkaiba man ang paraan ng panliligaw noon at ngayon, parehas parin ang pagmamahal na ipinakita ng mga Pilipino para sa kanilang iniibig. Kahit anong paraan man ang sundin mo sa panliligaw, laging isipin na ang panlilligaw at pagkakaroon ng kasintahan ay isang seryosong bagay.

Tips para sa Kasal: Paano gumawa ng personalized na tema at konsepto ng kasal Wedding Philippines 

Tips para sa Kasal: Paano gumawa ng personalized na tema at konsepto ng kasal

Pangarap ng isang babae na makasal sa taong pinakamamahal niya. Ilang taon din ang hinintay mo upang matupad ito. At ngayon nga ay nagkatotoo na ang iyong minimithi. Gusto mong gawing personalized ang tema o konsepto ng iyong kasal. Paano ba gawin ito?

Ang iyong kasal ay dapat na maging kakaiba at ipinapakita nito ang kwento ng buhay at pag-ibig ng dalawang nagmamahalan sa malikhaing paraan. Kailangan munang mag-isip ng ideya o kaya ay detalye na maaaring makaambag sa pangkalahatang konsepto. Ang ideyang ito ang magiging sentro ng mga bagay na iyong gagawin upang mapersonalize ang iyong kasal.

Sa panahong maging engaged ang magkasintahan, sari-saring katanungan ang maririnig nila katulad ng kung ano ang magiging motif, konsepto at tema ng kanilang kasal. Mas magiging personalized ang kasal kung ang mga detalye nito katulad ng gagamiting kulay ay may kahulugan para sa ikakasal. Ang konsepto at tema ay maaaring may kaugnayan sa buhay ng dalawa bilang magkasintahan. Mas maganda ang ganitong uri ng pagpili upang maging di-malilimutan ang kanilang kasal. Nakakatulong din iyan upang gunitain ng dalawa ang kanilang kwento sa araw na pinakahihintay nila.

Sa pagpaplano ng tema at konsepto ng kasal, maraming magkasintahan ang kumokonsulta ng mga eskperto o mga wedding planner. Mainam din na gawin ito upang matulungan kayo na magkaroon ng ideya para sa kasal. Kada taon, may bagong mga trending na konsepto at tema ng kasal. Nakakalito din ito ngunit isaalang-alang ang iyong kagustohan at ng iyong mapapangasawa upang masabi nating ito ay personalized at hindi lang sunod sa uso.

Ano ba ang tema ng kasal?

Ang tema ay yaon bang istilo na iyong pipiliin o napili na maging sentro ng disenyo ng kabuuan ng iyong kasal. Nakadepende sa tema ang magiging disenyo ng invitation card at table setting. Kabilang sa tema ang kulay na iyong pipiliin para sa kabuuang disenyo. Mainam na piliin ang iyong paboritong kulay upang mas personalized ang iyong tema. Para sa akin, mas maganda ang simpleng tema upang mas magkaroon ng pagkakataon ang ikakasal na ipakita ang pagiging natural at syempre, maihayag ang kanilang lovestory.

Ano ba ang konsepto ng kasal?

Sa kabilang banda, ang konsepto ng kasal ay kaugnay ng iyong emosyon. Ito ay tinatawag din bilang ang diwa ng iyong nabuong ideya. Ito ang nagbibigay ng rason sa bawat bagay na iyong pipiliin para sa iyong kasal. Bago magdesisyon ng tema, mabuting suriin muna ang iyong sarili upang mas makagawa ng magandang konsepto na naaayon sa iyong pagkatao. Ang konsepto ng iyong kasal ang magpapakita ng emosyong gusto mong ihayag at mamayani sa araw na iyan.

Gawing personalized ang iyong kasal

Heto ang ilang tips upang maging personalized ang iyong kasal:

  1. Isaalang-alang ang iyong damdamin at emosyon- Sagutin ang mga tanong na ito: Ano ba ang gusto kong maalala ng mga bisita tungkol sa aming kasal? Ano ba ang gusto kong ihayag sa araw na ito tungkol sa aming pagkatao ng aking mapapangasawa? Huwag magpokus sa kung ano ang maganda
    lamang sa paningin ng tao.
  2. Gawing personal ang disenyo at konsepto- Huwag magpokus sa mga bagong trends ng kasal, anupat maluluma din ito. Gumawa ng sariling konsepto na kumbaga ay may sariling brand name upang maging
    hindi-makakalimutan ang iyong kasal. Isipin din na mas magandang feedback ng iyong kasal ang paghanga ng mga tao sa inyong personalized na kasal na naghahayag ng inyong naiibang lovestory kaysa sa kagandahan at malaking gastos ng iyong kasal.
  3. Isipin ang inyong relasyon bilang magkasintahan- Gunitain ang masasayang ala-ala niyong dalawa na humantong sa pag-iisang dibdib. Isipin ang mga bagay na naging tulay para sa inyong dalawa o kaya ay mga bagay na may malaking parte sa pagsasama nyo.

Gamitin ang mga bagay na napag-usapan niyo upang maging sentro ng inyong magiging desisyon para sa konsepto at tema ng inyong kasal. Sa panahong pinag-uusapan niyo ang tungkol sa inyong kasal at ginugunita ang inyong magagandang ala-ala, mas mapapalapit kayo sa isa’t isa. Habang papalapit ang inyong pinakahihintay na araw, marapat na magplano ng maigi at gawin ang mga bagay na magkakasundo kayo. Magandang pundasyon ito para sa isang masayang buhay may-asawa. Sa pagpasok ninyo sa isang bagong kabanata ng inyong buhay, isaalang-alang ang kapakanan ng bawat isa. Maligayang pagbati!