nandito ka
Ali Khatibi and Cristine Reyes Wedding Wedding Philippines 

Ali Khatibi and Cristine Reyes Wedding

Sino ang makakalimot sa kasalan ng dalawang magsing irog na sina Ana Marie Cristine Reyes isang actress at Ali Khatibi isang martial arts expert noong ika- 27 ng Enero taong 2016 na naganap sa Balesin Spa Balesin Quezon.

Hindi man engrande ang kasal ng dalawa, nairaos din ito kahit na ito’y pribado, taimtim, napaka simple pero elegante. Bago ang nangyaring kasalan, binahagi ni Cristine na una niyang nakilala si Ali taong 2005 ngunit nag umpisa silang magkita at mag date noong taong 2013. Sumunod na taon, nagulat ang lahat ng ipahayag niya na sya ay nagdadalang tao at ang ama ay si Ali Khatibi. Pero nilinaw niya na planado nilang dalawa ang kanyang pagbubuntis. Makaraan ang pitong buwan, noong Setyembre taong 2015 nang ipahayag ni Cristine na siya ay ikakasal na sa ama ng anak niya na si Amarah, na si Ali.

Matatandaang si Amarah ay ipinanganak noong ika 8 ng Pebrero taong 2015 na kulang sa buwan kaya naman matapos manganak ay tutok na rutok si Cristine sa pag aalaga sa anak.

Ang unang plano ng dalawa noon ay Disyembre taong 2016 ang kasal ngunit marami ang mga bagay bagay na nakaantala. Sabi ni Cristine pinili nila ang Enero 27 dahil magkasabay din daw. Ito sa nalaman nila ang nararamdaman nila sa isat isa.

Dinaluhan ng piling pili na mga panauhin ang kasal. Iilang kaibigan, kaanak lamang ang dumalo. Kabilang sa dumalo ay ang nakatatandang kapatid ni Cristine na si Ara Mina at matalik na kaibigan na si Cat Ilacad.

Ang koronang bulaklak sa ulo ni Cristine ay mas nagpa tingkad sa kanyang suot na isang simpleng hanggang tuhod, walang manggas at kulay abuhin na damit at habang naglalakad suot ang isang pares na tsinelas at walang make up tingkad na tingkad parin ang kagandahan ng aktres.

Christine Reyes

Habang si Ali naman nakasuot ng mataas na manggas na kamisadentrong puti at kulay khaki na pang ibaba, talaga namang kahit simple ay angat pa rin ang kagwapohan at kakisigan.

Sabi ni Cristine , ang ceremonya sa Balesin ay para lamang gawing legal ang kanilang pag iisang dibdib, at sila ay nakatakdang magpakasal sa isang mas malaki na ceremonya kapag lahat ay naisaayos na.

Ang lahat ng bisita na dumalo sa kasalang Cristine-Ali Khatibi ay umalis na napaluha, saksi sa totoong pagmamahalan ng dalawa at nagbigay ng purong kahulugan na ang pagmamahalan ay hindi puro bahaghari lamang kundi handa itong suungin ang unos at matinding ulan na darating pa sa hinaharap.

Sa instagram ng aktres, kinabukasan ng kasalang larawan ng kanilang mga singsing sa kasal na may naka ukit na God, Children, Cristine, Ali…

Isang taon at magtatatlong buwan na ang nakalipas na silay nagsumpaan, at batid parin ng mga tao ang mainit nilang pagmamahalan.

Christine Reyes Wedding Rings

Photos: Nice Print Photography

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Ali Khatibi and Cristine Reyes Wedding
Rate this post