nandito ka
Arthur Burnand and Georgina Wilson Wedding – A Love Story Wedding Philippines 

Arthur Burnand and Georgina Wilson Wedding – A Love Story

Indorser, modelo at isang dating Asia’s Next Top Model Host– Georgina Wilson ay nakumpirmang ikinasal sa isang British Businessman na si Arthur Burnand sa simbahan ng St. Peter Winchester, Hampshire England noong ika-30 ng Abril taong 2016, dinaluhan ito ng kanilang pamilya at malapit na kaibigan.

Si Georgina ay isang half-English, half-Filipina at walong taon na niyang kilala si Arthur, pati na ang kanyang pamilya at mga kaibigan nito. Nagkakilala sila ngunit may nobyo noon ang aktres. Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita ulit ang dalawa taong 2015 nung bumiyahe sya papuntang Australia, at nasabi ng aktres sa sariling “Oh my God, this is the guy I am going to marry” (Diyos ko! Ito na ang lalaking pakakasalan ko). Mula noon, nakilala na ng mas maigi ng mga kaibigan ng aktres si Arthur, lalo na ng sumama at dumalo ito sa engagement celebration ni Solenn sa Argentina.

Ibinunyag ni Arthur ang proposal marriage nya para sa dalaga sa parehong lugar kung saan siya nakatira at kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Nagulat ang dalaga nang biglang lumuhod ang binata at umiiyak, natawa lang sya at hindi nya inasahan ang lahat ng iyon ay nangyari, gayunpaman ay umo-o sya sa binata.

Nagulantang ang iba sa balitang ito, dalawang taon matapos ang hiwalayan nila ng kanyang dating nobyo ng apat na taon na si Borgy Manotoc.

Matatandaang ipinahayag ng aktres sa publiko ang kanyang pagpapakasal noong ika-29 ng Abril 2016 na ikinagulat ng kanyang mga tagahanga.

Sa kanilang nakatakdang araw ay nakagigiliw pagmasdan ang dalawa na parang isang hari at reyna, suot ng aktres ang gawa ni Monique Lhuillier na galing sa kanyang Fall 2015 collection at ang okasyon ay kuha ni Hugo Burnand na siya ring nagdokumento ng kasal ng isang duke at dukesa sa Cambridge taong 2011.

Mailan-ilang tanyag na tao sa industriya na malapit sa aktres ang lumipad sa Inglatera na sina – Anne Curtis, Isabelle Daza, Rajo Laurel, Carla Humphries, Solenn Heusaff, Nico Bolzico, Laureen Uy, Robbie Pinera, Tim Yap, BJ Pascual, Nix Alanon, Jasmine Curtis-Smith, Raymond Gutierrez, Bea Soriano at Liz Uy.

Georgina Wilson Wedding Gown
Photo: Rappler

Umamin si Georgina na may takot sya sa pagpapakasal ngunit napagtanto niyang mali sya, at nasasabik magkaroon ng mga anak sa hinaharap.

Nilinaw din ng aktres na hindi matatapos ang kanyang paglabas sa mga tv shows dahil lang sa paglagay niya sa tahimik.

Matapos ang kanilang kasal ay nasabi ni Georgina sa media na bagaman malayo sila sa isa’t-isa, dumadalaw naman ang aktor dito sa Pilipinas tuwing katapusan ng linggo. Magkaiba man sila ng bansa upang magtrabaho, may magandang naidudulot rin daw ito upang magkaroon siya ng oras sa kayang sarili at mga kaibigan, at kapag nandito si Arthur, masasabi niyang may quality time talaga sila.
May iilang araw lang ang inilagi nila sa Spain para sa kanilang honeymoon. Agusto ng nakaraang taon ay nalaman ni Georgina na apat na buwan na siyang nagdadalang-tao. Lumipas ang ilang buwan ay nagkaroon sila ng baby shower na inayos ng kapatid ni Georgina na si Jessica sa Le Jardin Manila, ika-2 ng Oktubre.

Ika-14 ng Disyembre ay iniluwal niya ang isang lalaking sanggol na pinangalanan nilang Archie Burnand. Si baby Archie ang pinaka-unang anak ni Georgina at Arthur.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Arthur Burnand and Georgina Wilson Wedding – A Love Story
Rate this post