nandito ka
Kasalang Isabelle Daza at Adrien Semblat Wedding Philippines 

Kasalang Isabelle Daza at Adrien Semblat

Naganap ang isang napakagandang pagdiriwang ng pag-iisang dibdib ni Isabelle Daza at ng kanyang French boyfriend-Adrien Semblat sa Tuscany, Italy noong ika-10 ng Septyembre taong 2016. Syempre, hindi magpapahuli ang kanilang malalapit na kaanak at kaibigan na saksihan ang kanilang sumpaan sa harap ng altar.

Matatandaang nag-status ang dalaga noong ika-5 ng Pebrero ng nakaraang taon sa kanyang facebook account ng “I said yes”.

Ngunit, alam nyo ba na malayo sa love-at-first-sight ang kanilang buhay pag-ibig? Pitong beses tinanggihan ng aktres ang binata dahil kagagaling lamang niya sa hiwalayan ng kanyang Filipino-boyfriend ng anim na taon ng mga panahong yon, palaging kinukulit ang dalaga ng mga kaibigan na kilalanin si Adrien ng maigi ngunit hindi pa siya handa para rito. Pursigido ang binata na ligawan ng paulit-ulit ang aktres. Isang beses niyaya niya ang dalaga na maglaro ng football sa Manila Bay kasama ang mga street children, umo-o ang dalaga ngunit sa last minute na magkikita na sila, nag cancel ang dalaga dahil masama ang pakiramdam nito.

Nung araw ding yon, may nagyaya rin sa dalaga na isang kaibigan upang magliwaliw sa Rockwell, sa hindi inaasahang pagkakataon nakita niya si Adrien doon. Hindi naniwala ang binata na nasa bahay lang siya buong araw, subalit yon ang totoo. Nagtagal ang panliligaw ng binata ng apat na buwan bago niya napasagot ang dalaga.

Bago pa man ang pinakahihintay na sandali ng kanilang pag-iisang dibdib ay naidaos sa Bali, Indonesia ang bachelorette party ni Isabelle na kinabibilangan ng kanyang kapatid na si Ava at ilang malapit na kaibigan na sina Solenn Heusaff, Carla Humphries, Bea Soriano, Raymond Gutierrez, Nicole Anderson, Martine Cajucom noong ika-26 ng Agosto 2016.

Sa palapit na na araw ng kanilang kasal ay inanyayahan ng dalawa ang kanilang mga panauhin para sa isang kasiyahan t pagtitipon sa Tuscan Hotel na tinatawag ding Castello di Gargonza, dito rin ginanap ang kanilang reception venue.

Ilang sikat na mga artista ang pumunta, ang ina niyang dating Miss Universe (1969) na si Gloria Diaz, andito rin ang mga pinsan ni Belle na sina Georgina Wilson, Jessica Diaz-Wilson, at Martine Cajucom, andirito rin ang iba pang malapit sa aktres na sina Bea Soriano, Solenn Heusaff, at ang kanyang kapatid na si Erwan, Anne Curtis, Rajo Laurel, Tim Yap, Liz Uy, at Raymond Gutierrez. Nandirito rin ang iba pang kaibigan ni Isabelle sa industriya na sina Kim Atienza at dating kinatawan ng Cavite na si Gilbert Remulla.

Suot ng dalaga ang gawa ni Vera Wang isang flowing strapless gown na may cinched na may laso na lilac sa may baywang at kasama niyang naglakad pababa ng pasilyo ng simbahan ang dating kinatawan at senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, ito ang pumalit sa namayapang ama ng dalaga na si Gabriel “Bong” Daza III na namatay noong ika-11 ng Hulyo.

Ayon sa wedding photographer na si Francis Perez, ginanap ang kasal sa simbahan ng St. Francis sa Tuscany, Italy.

Naipahayag din ni Belle sa media na hindi siya gaanong naging hands-on sa detalye ng kasal ngunit habang papalapit na ang araw ay napagtuonan niya ng pansin ang mga maliliit na bagay tulad ng giveaway bags para sa lahat ng dadalo.

Sinigurado ng magkasintahan na ang lahat ay magsasaya sa indayog ng musika at sayaw. Meron din silang cocktails bago magsimula ang aktwal na kasiyahan. Nilinaw din ng dalaga na tuloy ang karera niya sa pag-aartista, kahit pa man nalagay na siya sa tahimik.

Photo: Isabelle Daza’s Instagram

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Kasalang Isabelle Daza at Adrien Semblat
Rate this post