nandito ka
Pamamanhikan: Hindi Malilimutang Tradisyon Bago ang Kasal Wedding Philippines 

Pamamanhikan: Hindi Malilimutang Tradisyon Bago ang Kasal

Tuwang tuwa ang bawat isa sa magkasintahan matapos ang matagumpay na marriage proposal. So ano na ang sunod pagkatapos ng marriage proposal?

Ang tradisyon ng pamamanhikan

Dito sa Pilipinas, kaugalian na ang pagdaraos ng pamamanhikan. Ano ba ang pamamanhikan? Ito ay ang okasyon kung saan ang pamilya ng lalaki o nobyo ay pupunta sa bahay ng babae o nobya para pormal na “hingiin ang kamay ng dalaga” sa kaniyang mga magulang. Ibig sabihin lang nito na gusto nang pakasalan ng binata ang dalaga. Ang tradisyon ng pamamanhikan ay nagpapakita ng respeto at karangalan para sa mga magulang ng dalaga bago magpakasal ang magkasintahan.

Kung isa kang dalagang Pilipino, tiyak na matagal mo nang alam ang tungkol sa tradisyong ito. Lalo na kung ang iyong pamilya ay konserbatibo, alam mong ito ang gusto nilang mangyari, magkaroon muna ng pamamanhikan bago ang kasalan.

May ibang mga nobyo na talagang pinaghahandaan ang pamamanhikan. Bago sila mag propose ng kasal sa kanilang nobya, patiuna na nilang pinupuntahan at kinakausap ang magulang ng dalaga. Kaya madali na sa kanila ang pagpaplano ng pamamanhikan pagkatapos ng matagumpay na wedding proposal. Pero kahit na matagal nang tradisyon ang pamamanhikan at parang kabisado na ito ng halos lahat ng mga Pinoy, iba pa rin ang pakiramdam kung ikaw na mismo ang nobyo o ang nobya. Ang mga tanong na ano ang gagawin ko? Ano ang sasabihin naming, ano pa baa ng ihahanda maliban sa pagkain? At ano nga ba ang kalalabasan ng pamamanhikan? Ang pamamanhikan ay talagang nakaka excite at nakaka-pangilabot. Alamin natin ang mga bagay na kasama at pwedeng mangyari sa araw ng pamamanhikan.

Mga paghahanda bago ang pamamanhikan

Kung kayo ay magkasintahan na nakapag usap nang mag daos ng pamamanhikan, mas maganda kung dalawang linggo pa bago ang okasyon ay magsimula na kayong mag research, magtanong tanong at mag imagine kung ano ang mangyayari sa gabi ng pamamanhikan. Ano ang mga dapat mong asahan? Baka maiisip ng nobya ang pagdating ng pamilya ng nobyo. Ang buong mag-anak ay mababait at madaling pakisamahan pero hindi ito makakabawas sa nerbiyos na nararamdaman ng dalaga. Kahit sabihin pa na nakadalo ka na sa pamamanhikan ng kapatid o pinsan mo, na pwedeng pakiramdam mo ay isa lamang na ordinaryong okasyong pampamilya. Okay lang kung ibang myembro ng pamilya ang ikakasal, pero iba na ang usapan kung IKAW na mismo ang ikakasal.

Sa pag dating ng mismong araw ng pamanhikan, baka halos hindi mo na makontrol ang iyong nerbyos. Ang ilang dalaga ay talagang abot abot ang panalangin na maging maganda ang kalalabasan ng pamamanhikan. Kung sabagay, kilala nanaman ng mga magkasintahan ang pamilya ng bawat isa hindi ba? Alam na ninyo ang mga ugali ng bawat pamilya kaya wala ka nang masyadong maraming dahilan para manerbiyos ng todo-todo.

Ang totoo, magiging hindi naman nakakatakot ang pamamanhikan, Makikita mo, pagdumating na ang pamilya ng nobyo, ang inyong okasyon ay magiging smooth as possible. May mga pamilya na galing pa sa malalayong lugar kaya marapat lamang na asikasuhin ng mabuti ng nobya ta pamilya niya ang mga bisita.

Ano ang nagaganap sa pamamanhikan?

Kainan muna, mas maganda kung maghahanda ka ng masasarap na mga pagkain na Pinoy style para lalong maging masaya ang okasyon. Sa maraming mga pamilya, imbitado ang mga kamag-anak tulad ng mga tiyo, tiya at mga pinsan, kung minsan ay kasama pa ang malalapit na mga kaibigan. May mga pamilya naman na mas gustong ang mismong mga miyembro lang ng mag-anak ang iniimbitahan. Pwede kayong mag serve ng alak, pero tandaan na hindi ito padamihan ng maiinom, ito ay isang solemneng okasyon na dapat ay mapag-uusapan bago matapos. Ireserba na ninyo ang pag-inom ng marami sa mismong araw ng kasal.

Kadalasan, ang usapan ay pinangangasiwaan ng mga magulang ng ikakasal. Mas maganda kung ang tatay ng nobya ang unang magsasalita. Pwede niyang sabihin ang mga dahilan kung bakit ibinibigay niya ang pahintulot na pakasalan ng nobyo ang kaniyang anak. May mga tatay din na nagkukwento tungkol sa kung paano nila pinalaki ang kanilang anak na dalaga. Ang sunod na mag sasalita ay ang tatay naman ng nobyo, tulad ng sa sinabi ng tatay ng nobya, siya ay magsasalita din ng maganda tungkol sa dalagang gustong pakasalan ng kaniyang anak. Magkukwento rin ang tatay ng magagandang mga bagay tungkol sa kanyang binata.

Sa pamamanhikan sinasabi ng magkasintahan ang kanilang mga plano sa kasal. Sa panahong ito na hilaw pa ang mga detalye ng okasyon, ang mga magulang ng mga ikakasal ay magbibigay ng kanilang mga opinion at suhestyon sa pangunahing mga detalye kung tungkol sa kung kailan at saan gaganapin ang kasalan. Pwede na ring pag-usapan sa okasyong ito kung sinu-sino ang mga gagawin ninong at ning, best man, brides groom at mga abay.

Pagkatapos ng mahabang usapan ay panahon na para pasalamatan ng magkasintahan ang kanilang mga kapamilya sa suporta na ibinibigay nila sa disisyon ng dalawa na magpakasal na. Syempre, hindi na maiiwasan ang mga nakakahiyang mga pangyayari, tulad ng nakakahiyang mga kwento nang kayo ay mga bata pa. Sa bagay, mas maganda na nang magka-alam na ng maaga, at lahat naman tayo ay may ikinahihiyang mga kwento hindi ba?

Ang pamamanhikan ay isang kasuwal na gabi para mga pamilya ng mga magkasintahan, ito ay hindi dapat ikatakot, bagkos ay dapat maayos na paghandaan. Hindi naman sa ilinalayo na ng nobyo ang dalaga sa kaniyang mga kapamilya. Sa pamamagitan ng pamamanhikan, mararamdaman ng bawat isa na ang kasal ay hindi nangangahulugan ng pag-iwan, ito ay isang pagsasanib ng dalawang malaki at masayang pamilya para sa ikaliligaya ng mga magpapakasal.

Kaya bilang konklusyon, ang pamamanhikan ay isang okasyon na nakakapagod at nakaka nerbiyos, ngunit ito ay sulit kung mapaghahandaan at susuportahan ng bawat isa.

Sa panahon ding ito dapat na pag usapan ang maliliit gunit importanteng mga detalye ng kasalan tulad ng disenyo at pag-imprenta ng mga wedding invitations kasama na ang paggawa ng mga wedding souvenirs. Ang Miss Sunny Cards ay eksperto sa paggawa ng magagarang imbitasyon sa kasal na pwede mong ipagmalaki sa mga imbitadong bisita.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pamamanhikan: Hindi Malilimutang Tradisyon Bago ang Kasal
5 (100%) 1 vote